News Releases

English | Tagalog

NBA PRESEASON MAGSISIMULA NA SA ABS-CBN S+A

October 12, 2018 AT 02 : 29 PM

Basketball fans better rejoice as they can catch preseason action of the most popular basketball league on the planet on free television on ABS-CBN S+A.

Maaari nang magdiwang ang mga basketball fan sa bansa dahil mapapanood na nila ang nagpapatuloy na aksyon sa preseason ng pinakasikat na liga sa buong mundo sa free television sa ABS-CBN S+A.
 
Sisipa na ang “NBA On ABS-CBN” sa S+A ngayong Miyerkules (Oktubre 10) sa paghaharap ng Oklahoma City Thunder at Milwaukee Bucks ng LIVE sa ganap na 8 pm at kinatatampukan ng mga paborito sa MVP na sina Russell Westbrook at Giannis Antetokounmpo.
 
Samantala, mas inaabangan ng karamihan ang nalalapit na paghaharap nina LeBron James at ng Los Angeles Lakers at ng bigating Golden State Warriors ni Steph Curry, na mapapanood sa Huwebes (Oktubre 10). Ito ang unang pagkakataong makakalaban ni LeBron ang Warriors mula noong Finals ng Hunyo bilang miyembro ng maalamat na prangkisa ng Lakers.
 
Hindi lang iyan ang dapat abangan ng mga Pilipinong mahal na mahal ang basketball, dahil magsisimula na rin ang panibagong season ng NBA sa S+A sa darating na Oktubre 17.
 
Bubuksan ng S+A ang opening week ng NBA sa pamamagitan ng laban sa pagitan nina Embiid at Philadelphia 76ers kontra Kyrie Irving at Boston Celtics sa Oktubre 17 ng LIVE sa ganap na 8 am. Makikipagbakbakan naman sina Lonzo Ball at ang Lakers kina Damian Lillard at ang kanyang Portland Trailblazers sa Oktubre 19 ng LIVE ng 10:30 am. Abangan din ang mga laban ng Boston Celtics kapatat ang Toronto Raptors, na may bagong star player kay Kawhi Leonard sa Oktubre 20 sa ABS-CBN ng 8:30 am, at ang New York Knicks naman sa Oktubre 21 ng 7:30 am, LIVE sa S+A.
 
Huwag palampasin ang mainit na pagbabalik ng NBA sa S+A sa pamamagitan ng kanilang mga laro sa preseason sa pagitan ng OKC Thunder at Milwaukee Bucks sa Miyerkules (Oktubre 10) ng 8 am sa S+A at ng LA Lakers at Golden State Warriors ng Huwebes (Oktubre 11) ng 10:30 am. Magsisimula naman ang coverage para sa regular season sa S+A ng Oktubre 17.
 
Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.