More and more non-cabled homes in Metro Manila are making the big switch from analog television to digital terrestrial television (DTT).
ABS-CBN TVplus, nakabenta na ng 6.1 M boxes
Patuloy na dumarami ang mga kabahayan na walang cable sa Metro Manila ang nanonood ng telebisyon sa pamamagitan ng digital terrestrial television (DTT).
Ayon sa pinakabagong Kantar Media establishment survey na isinagawa noong Agosto, 71.6% na ng mga kabahayan na walang cable sa Metro Manila ang nakikinabang sa magandang benipisyo ng ABS-CBN TVplus tulad ng malinaw na panonood ng TV, mas pinaraming exclusive channels, at murang pay-per-view service na walang monthly fee, kumpara sa 55% noong Agosto 2017.
Tumaas din ang bilang ng mga kabahayan sa walang cable sa Mega Manila na may ABS-CBN TVplus box. Nasa 64.7% na ito kumpara sa 44% noong Agosto 2017. Samantala, 57% na na mga kabahayan na walang cable sa suburbs ang mayroong ‘mahiwagang black box’ sa kanilang mga tahanan kumpara sa 33% noong Agosto ng nakaraang taon.
Nakabenta na ng 6.1 million units ng TVplus boxes ang ABS-CBN as of Oktubre 10 mula pa nang inilunsad ito noong 2015. Ang ABS-CBN din na nagtra-transition ngayon para maging isang digital company ang unang media at entertainment company sa bansa ang unang nag-broadcast ng digital terrestrial television para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.
Handog ng ABS-CBN TVplus ang libreng channels na ABS-CBN at ABS-CBN S+A pati na ang exclusive channels na CineMo, isang all-day movie channel; YeY, isang all-day children’s entertainment channel; Knowledge Channel, isang educational channel na tampok ang curriculum-based programs para sa primary at secondary students, at DZMM TeleRadyo na handog naman ang live broadcast ng mga programa sa DZMM Radyo Patrol 630.
Patuloy na lumalawak ang signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus kung saan kabilang ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao.
Noong Hulyo 2018, naglunsad din ang ABS-CBN TVplus ng bagong channels na paunang napapanood sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, and Cagayan de Oro. Kasama sa lineup ng bagong channels ang Asianovela Channel, ang una at natatanging channels a digital free TV na nagpapalabas ng uncut Asian dramas at movies. Bagong channel din ang Movie Central, ang unang first all-English movie channel sa digital free TV. Kinukumpleto ng MYX, Jeepney TV, at O Shopping, isang home TV shopping channel, ang lineup ng ABS-CBN TVplus. Permanenteng magiging libre ang O Shopping, samantalang naka free trial naman ang apat na bagong channel hanggang Disyembre 31, 2018.