In her iWant original show “Laureen on a Budget,” fashion and travel vlogger Laureen Uy is daring herself to pull off different challenges without breaking the bank.
Kilala ang fashion at travel vlogger na si Laureen Uy sa kanyang pangarap na maglibot sa iba’t ibang dako ng mundo at magsuot ng magagarang damit, pero sa kanyang iWant original show na “Laureen on a Budget,” susubukan naman ni Laureen ang iba’t ibang challenges na kailangang pasok sa kanyang budget.
“Every episode, I do a certain challenge with a special guest that is why I have been filming a lot with my vlogger besties, Raymond (Gutierrez), my siblings, and everyone who is close to me,” bunyag ni Laureen sa kanyang vlog tungkol sa iWant show niya sa kanyang YouTube channel.
Ipapakita sa “Laureen on a Budget” ang pagiging madiskarte ni Laureen sa pagtitipid at pag-iipon na hindi nasasakripisyo ang kalidad at kaginhawaan.
Mula sa pag-redecorate ng kwarto hanggang sa pagbuo ng magagandang outfits, naglakas loob si Laureen na tanggapin ang iba’t ibang nakakaaliw na hamon sa kanya, habang ipinagkakasya ang kanyang P999 budget.
“’Yung maximum budget is always P999, but hindi ko kailangang ubusin lahat ng iyon. The lower I spend, the better,” ani Laureen.
Ayon sa sikat na vlogger, mahirap pero exciting ang challenges. Sa katunayan, nagkaroon pa siya ng makeup challenge at wardrobe haul, kung saan kailangan niyang bumili ng mga damit na mailalagay niya sa isang closet.
Mapapanood din ng iWant users ang sikat na vloggers at social media influencers tulad nina Camille Co, Kryz Uy, BJ Pascual, Liz Uy, Vince Uy, at ang beauty queen na si Michelle Gumabao bilang guests ng show.
Samantala, mainit na tinanggap ng mga Pinoy ang bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant dahil agad na pumalo ito ng higit sa isang milyong app downloads sa araw ng launch nito noong Sabado (Nobyembre 17), lalo pa’t inabangan ng iOS at Android users sa bansa na mapanood ang original films, series, at iba pang uri ng content na mapapanood dito.
Mula nang maging available sa publiko ang iWant app noong Nobyembre 15, agad ngang nanguna ito sa listahan ng pinaka dina-download na free apps sa App Store at Google Play. Ito rin ang most downloaded entertainment app sa Google Play sa kasalukuyan.
Sa bagong iWant, maaring mapanood nang libre ng users sa loob ng bansa ang mga palabas sa iOS at Android apps o sa pamamagitan ng web browser. Ang mga user namang may iWant TV app ay kailangan lang mag-update ng bagong bersyon ng app.
Para sa karagdagang updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.