News Releases

English | Tagalog

Rescue driver, unang nanalo ng pinakamalaking jackpot prize sa "Sorpresaya" ng CineMo

November 06, 2018 AT 12 : 01 PM

What was supposed to be an ordinary work day for rescue driver Rogelio Fernando turned out to be extraordinary when he was named as the first winner of the P200,000 jackpot prize in “Sorpresaya,” a daytime game show that airs on TVplus’ CineMo.

“Sorpresaya” viewers, may pagkakataon ng manalo ng cash prizes sa viewer promo

Naging espesyal ang dapat sanang pangkaraniwang araw sa trabaho ng rescue driver na si Rogelio Fernando nang solo niyang napanalunan ang P200,000 jackpot prize sa “Sorpresaya,” ang daytime game show na umeere sa CineMo ng ABS-CBN TVplus.

Si Rogelio ang unang winner ng pinakamalaking jackpot prize sa “Sorpresaya,” na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:30 AM na may same-day 10:30 PM replay sa CineMo ng ABS-CBN TVplus.

Swerteng nabunot ang numero ni Rogelio, na isa sa medic team members na naka-standby sa Sta. Maria Bulacan para sa “Sorpresaya.” Naroon rin siya bilang isa sa audience members na contestant para sa “Wanted” segment, isang kapanapanabik na elimination game kung saan pinipili ang winning player na pasok sa hinahanap na apat na katangian. Kung walang player na pasok sa apat na katangian, madadagdagan ang jackpot prize hanggang sa may manalo.

Hindi inakala ni Rogelio na magsisilbing lucky charms niya ang dala-dala niyang cellphone at cable charger dahil ang mga ito ang naging susi para makabilang siya sa last two contestants standing. Sa huling round, ang cellphone wallpaper ni Rogelio, kung saan larawan niya at ng kanyang anak ang naka-display, ang nagpapanalo sa rescue driver dahil ito ang huling binanggit na katangian ng “Sorpresaya” hosts na sina Jobert Austria at Nonong Ballinan.

Ayon kay Rogelio, gagamitin niya ang P200,000 para sa pag-aaral ng anak at para sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Patuloy namang mamimigay ang “Wanted” segment ng “Sorpresaya” ng cash prize sa susunod na maswerteng player na makukuha ang apat na katangian na hinahanap nina Jobert at Nonong.

Unang game show sa digital TV ang “Sorpresaya” na umiikot sa iba’t ibang probinsya sa Luzon para mamigay ng papremyo at kasiyahan sa mga Pilipino, pero may pagkakataon na ring manalo ang home viewers sa pamamagitan ng “Cashiyahan Viewer Promo.” Kailangan lang tumutok sa “Sorpresaya,” hulaan kung anong team (Orange vs. Blue) ang mananalo sa game segments, at i-send ang sagot sa drop boxes. May kabuuang P200,000 worth of cash prizes ang ipapamigay kada araw. Para sa karagdagang impormasyon sa “Sorpresaya” at sa “Cashiyahan Viewer Promo,” i-like ang Facebook page ng CineMo.