News Releases

English | Tagalog

Angel at Tony, paiinitin at paninindigan ang pag-ibig sa "Glorious"

November 09, 2018 AT 02 : 27 PM

Mapangahas na tatahakin ng mga karakter nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang mundo ng pag-ibig sa nagbabagang pagganap nila bilang magkarelasyon sa isang May-December love affair sa “Glorious,” isang original na pelikula mula sa Dreamscape Digital na mapapanood sa iWant, ang bagong content-on-demand digital app ng ABS-CBN, at TFC Online.

Bago pa man ito mapanood sa bagong iWant at TFC.tv simula Nobyembre 17, pinainit at pinasabik na ng full trailer ang social media at nakaani na ng higit sa 13.6 milyong views wala pang isang linggo matapos itong ilabas.

Bagama’t excited ang netizens sa mga eksena sa trailer, nag-udyok din ito sa kanilang ibahagi ang kanilang pananaw tungkol sa May-December relationships at ipagtanggol ang mga ito laban sa panghuhusga. 

Isinulat at idinirek ni Concepcion Macatuno ang “Glorious,” na iikot sa kwento ni Glory (Angel), isang 52 taong gulang na brain tumor survivor na mahuhulog ang loob sa lalaking 30 taon ang agwat sa kanya – si Niko (Tony).

Hiwalay na ngunit sinusustentuhan pa rin ng asawa si Glory. Ngunit dahil iniwan na ng mga anak upang buuin ang kani-kanilang buhay, magkakakrisis siya sa kanyang pagkatao at makakaramdam ng matinding kalungkutan at kawalan ng bilib sa sarili.

Sa kabila ng mga problema, makikilala niya ang madiskarte at masigasig na si Niko, ang 22 anyos na lalaking magbabago sa kanyang buhay.

Bagama’t instant attraction ang mararamdaman ng dalawa, pipilitin nilang patibayin at panindigan ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hamon sa kanilang relasyon, kabilang na ang pagkakaiba ng kanilang mga pananaw, agwat sa edad, at ang panghuhusga ng kanilang pamilya at komunidad.

Ipaglaban kaya nina Glory at Niko ang kanilang pag-iibigan hanggang sa dulo? Paano matututunan ni Glory na tibayan ang loob at piliin ang sarili?

Dahil sa paksa ng pelikula, maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang opinyon tungkol rito. Kahit na ang Broadway diva na si Lea Salonga ay inihayag ang kanyang excitement at nagsabing umaaasa siyang magiging hit ang “Glorious” para mapag-usapan at mapanood sa pelikula ang kwento ng mga relasyon kung saan mas matandang babae at mas batang lalaki. 

“Beyond the love scenes its protagonists do, allow it to begin a conversation about seeing older women and younger men on screen. Given how utterly beautiful both Angel Aquino and Tony Labrusca are, I am all for it, and wish for their movie Glorious to be a massive hit,” aniya.

“Given how utterly beautiful both Angel Aquino and Tony Labrusca are, I am all for it, and wish for their movie Glorious to be a massive hit,” she added.

Pinuri rin ng volleyball star at TV host na si Gretchen Ho ang pelikula at nag-tweet ng, “Great move by #IWant and #DreamscapeDigital for making #Glorious their first exclusive film! Digital doesn’t have boundaries the way TV has.”

Ang “Glorious” ay ang unang handog ng Dreamscape Digital. Ekslusibo itong mapapanood sa bagong iWant, sa pamamagitan ng iOS o Android app, at sa TFC Online (TFC.tv) simula ngayong Nobyembre 17.
 
Sa bagong iWant, maaaring i-stream nang libre ng users sa loob ng bansa ang original films at series, mga luma at bagong Kapamilya shows, mga pelikula, mga awitin, restored films, at live concerts.

Para sa karagdagang updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, at www.youtube.com/iWantPH sa YouTube.