News Releases

English | Tagalog

Pinakamalalaking balita ng 2018, tampok sa "Sa Likod ng Balita: The ABS-CBN Yearend Special

December 27, 2018 AT 06 : 25 PM

ABS-CBN anchors and journalists led by Ted Failon and Karen Davila look back at the biggest stories of the year in “Sa Likod ng Balita: The ABS-CBN Yearend Special” this Friday (December 28) after “Bandila” on ABS-CBN.

ABS-CBN News, tututukan ang pagpasok ng bagong taon sa “Salubong 2019”
PINAKAMALALAKING BALITA NG 2018, TAMPOK SA “SA LIKOD NG BALITA: THE ABS-CBN YEAREND SPECIAL”
 
Babalikan ng mga anchor at reporter ng ABS-CBN News sa pangunguna nina Ted Failon at Karen Davila ang pinakamalalaking balita ng nagdaang taon sa “Sa Likod ng Balita: The ABS-CBN Yearend Special” ngayong Biyernes (Disyembre 28) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.
 
Bisitahin ang mga isyung yumanig sa bansa mula sa perspektibo ng mga mamamahayag ng ABS-CBN News tulad ng trahedyang dulot ng mga bagyong Ompong at Rosita sa Luzon; ang pagsasara at muling pagbubukas ng Boracay; ang pagtaas ng mga bilihin at pagpapatupad ng TRAIN law; at ang matagumpay na pagbabalik ng Balangiga Bells at panalo ni Catriona Gray sa Miss Universe pageant.
 
Ipaliliwanag din nila ang mga implikasyon ng mga pangyayari sa pulitika habang naghahanda ang buong Pilipinas sa paparating na halalan sa 2019.
 
Samantala, tuloy ang tradisyon ng ABS-CBN News sa paghahatid ng balita sa pagtatapos ng taon  at pagpasok ng bagong taon sa “Salubong 2019” ngayong Lunes (Disyembre 31) sa ABS-CBN. Samahan sina Adrian Ayalin at Pia Gutierrez simula 11:30 pm sa pagtanggap ng mga balita mula sa Resorts World Manila, Eastwood City, at iba pang lugar na nagsasagawa ng new year countdown.
 
Huwag palampasin ang “Sa Likod ng Balita: The ABS-CBN Yearend Special” sa Biyernes (Disyembre 28) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at “Salubong 2019” sa Lunes (Disyembre 31) simula 11:30 pm sa ABS-CBN. Manood online sa iwant.ph o skyondemand.com.ph. Para sa balita, sundan ang @ABSCBNNews sa Facebook at Twitter o bisitahin ang news.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.