News Releases

English | Tagalog

Restored classic films mapapanood sa “Cinema Classics”

April 18, 2018 AT 10 : 14 AM

Magsasanib-pwersa muli ang ABS-CBN Film Restoration Group at Ayala Cinemas Cinemas para ihandog ang ilan sa mga pinakaminahal na pelikula sa bansa sa “Cinema Classics” ngayong Abril 18 hanggang 24 sa Trinoma at Greenbelt.

Pormal na binuksan ang “Cinema Classics” noong Miyerkules (Abril 18) sa pamamagitan ng premiere ng digitally restored at remastered 1992 hit drama film “Ikaw Pa Lang Ang Minahal” na dinaluhan mismo ng lead star nito na si Maricel Soriano.

Bukod sa obra ni Carlos Siguion Reyna, tampok din sa naturang cinema exhibition ang dalawa pa sa pelikula ni Richard Gomez na “Hihintayin Kita Sa Langit” at “Kapag Langit Ang Humatol.”

Mapapanood din sa “Cinema Classics” ang restored na mga pelikula ni Mike De Leon na “Kakabakaba Ka Ba?,” “Sa Aking Mga Kamay” ni Rory Quintos, “Don’t Give Up On Us” ni Joyce Bernal,” “Langis at Tubig” ni Danny Zialcita, “One More Try” ni Ruel Bayani, “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” ni Carlos Siguion Reyna, at “The Mistress” ni Olivia Lamasan.

Ang “Cinema Classics” ay bahagi ng advocacy campaign ng ABS-CBN Film Restoration na “Sagip Pelikula” na naglalayong mapanatili ang Philippine cinematic legacy sa pamamagitan ng pag-restire ng classic Filipino films at ipamalas uli ito bagong henerasyon ng mga manonood gamit ang iba’t ibang platforms.

Pumunta na sa Greenbelt 1 at Trinoma para mapanood ang mga digitally restored and remastered film mula ngayong Miyerkules (Abril 18) hanggang Martes (Abril 24). Ang ticket ay nagkakahalagang P220 at mayroon discounted price para sa estudyante na P180. Para sa buong schedule, bisitahin ang www.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook.

Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.

Mahigit 120 titulo na ang nairestore ng ABS-CBN Film Restoration Project kung saan ilan sa mga ito ay naipalamas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.