News Releases

English | Tagalog

Mga Kababaihan, bibida sa “HaPINAY Day: DZMM Buntis Congress”

May 18, 2018 AT 08 : 10 PM

DZMM continues to lead in delivering public service as it brings joy, new knowledge, and assistance to hundreds of women through “HaPINAY Day,” which happens on Sunday (May 20), 10 am at the Activity Center of Robinsons Place Las Piñas.

Tuloy ang pangunguna ng DZMM pagdating sa serbisyo-publiko sa pagdaraos nito ng “HaPINAY Day: DZMM Buntis Congress” ngayong Linggo (Mayo 20) ng 10 am sa Robinsons Place Las Piñas Activity Center para magdala ng saya, bagong kaalaman, at tulong sa mga kababaihan.

Ngayong taon, mas marami pa ang mapaglilingkuran ng AM radio station ng ABS-CBN dahil hindi na lamang para sa mga nagdadalang-tao ang proyekto, kundi pati na rin sa mga nanay, tita, lola, at dalaga.

Bukod kasi sa “Buntis Tips” o impormasyon sa pangangalaga sa kalusugan habang nagbubuntis hanggang sa pagpapasuso at paggawa ng pagkain ng bata, matututo rin ang mga dadalo ng “Ganda Tips” para mapanatili ang kagandahan at magandang pangangatawan, at “Wais Tips” sa pamamalakad ng tahanan at pagpapalaki ng mga anak.  Maliban sa mga eksperto tulad nina Dr. Bles Salvador, Cory Quirino, Dr. Luisa Ticzon-Puyat, Dr. Lulu Marquez, Atty. Claire Castro, at Vic Garcia, dadayo rin sina Joshua Marquina, Markki Stroem, at ang prince of RnB na si Jay-R para pakiligin ang mga “HaPINAY.”

Magkakaroon din ng mga booth kung saan libreng makakapag-pakonsulta ang mga Kapamilya tungkol sa pagbubuntis, isyung pang-magasawa, at pagkalinga sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

Libo-libo na ang napaglingkuran ng DZMM “Buntis Congress” sa loob ng 16 na taon na pagsasagawa ng proyekto. Samantala, patuloy naman ang pangunguna ng DZMM sa paghahatid ng balita. Nananatili pa rin ang DZMM Radyo Patrol 630 bilang numero unong AM radio station sa Mega Manila base sa survey na isinagawa ng Kantar Media Radio Survey mula Marso 19 hanggang 25, 2018. Nakakuha ng 34% na audience share sa AM band ang DZMM, malayo sa 27% ng DZBB, at  15% ng DZRH.

Para sa karagdagang impormasyon sa “HaPINAY Day: DZMM Buntis Congress,” sundan lang ang @DZMMTeleRadyo sa Twitter at Facebook o pumunta sa www.dzmm.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE