News Releases

English | Tagalog

"Goblin" at ibang sikat na Asian dramas, napapanood na sa TVplus

August 15, 2018 AT 06 : 07 PM

Non-stop TV marathons begin on ABS-CBN TVplus this month as its newest channel offering, Asianovela Channel, unloads a ton of hit K-Dramas for its viewers.

Walang sawa ang TV marathons ngayong buwan sa ABS-CBN TVplus dahil handog ng Asianovela Channel, isa sa mga bagong channel nito, ang sandamakmak na K-Dramas.

Tiyak na hindi bibitaw sa panonood ang Asian Drama fans sa uncut episodes ng mga paboritong Korean series na nagpakilig at nagpaiyak sa mga Pinoy tulad ng fantasy drama na “Goblin” (weekdays at 5 AM, 11 AM, at 5 PM) at ng romantic series na “Uncontrollably Fond” (weekdays at 6 AM, 12 NN, at 7 PM).

Nariyan din ang “Orange Marmalade” (weekdays at 7 AM, 1 PM, at 8 PM) na isang fantasy love story tungkol sa isang babaeng bampira na mahuhulog ang loob sa pinaka popular na lalaki sa campus na kikiliti sa puso ng fans.

Bukod dito, may back-to-back marathons din ng K-Dramas na naghihintay tuwing weekend. Magpapasigla tuwing weekend ang “Love in the Moonlight,” (9 AM, 7 PM), “Sensory Couple,” (1 PM), at “Oh My Lady” (5 PM).

Para masimulan ang pagsubaybay ng mga palabas sa Asianovela Channel, kailangan lang ng TVplus users na pindutin ang scan button sa TVplus remote at i-browse ang TV list para mahanap ang channel assignment nito. Ang iba pang dagdag na channels sa ABS-CBN TVplus ay Movie Central, Jeepney TV, MYX, at O Shopping.
Initially available ang limang bagong channels sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, at Cagayan de Oro. Naka-free trial hanggang Disyembre 31 ang channels maliban sa O Shopping.

Simula 2015, nabago ng ABS-CBN TVplus ang panonood ng telebisyon ng mga Pilipino dahil sa hatid nitong malinaw na signal na walang montly at installation fee. Bilang unang digital terrestrial television (DTT) service sa bansa, isa rin ang ABS-CBN TVplus na digital property ng ABS-CBN na nagtra-transition na maging digital company.

Pumunta sa tvplus.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook sa karagdagang detalye.