Metro Star Realty and Team Core booked their ticket to the HoopBattle Championship in China after finishing on top of the first ever Vivo HoopBattle Championship Philippines last Sunday (July 29) at the Market! Market! Activity Center, which aired live on ABS-CBN S+A and via livestream on sports.abs-cbn.com.
Dadalhin ng Metro Star Realty at Team Core and bandera ng Pilipinas sa HoopBattle Championship sa Tsina sa darating na Oktubre matapos makapasok sa finals ng kauna-unahang Vivo HoopBattle Championship (HBC) Philippines noong Linggo (Hulyo 29) sa Market! Market! Activity Center, na ipinalabas sa ABS-CBN S+A at via livestream sa sports.abs-cbn.com.
Sa pangunguna ng 6’7 na si Jamal Thomas, na siya ring tinanghal na MVP ng torneyo, pinataob ng Metro Star Realty ang Team Core, 21-10, upang maiuwi ang P200,000 na papremyo sa 3×3 basketball tournament na hatid ng Ayala Malls at ABS-CBN Sports kasama ang co-presenter na Vivo Philippines at sa tulong ng Virtual Playground.
Lalaban sina Thomas, Joseph Navarro, Reinier Quinga, at Argene Sabalza sa HoopBattle Championship sa Tsina ngayong taon kung saan makakaharap nila ang mga banyagang koponan para sa premyong aabot ng P3 milyon.
Lalahok din doon ang Team Core ng mga Maharlika Basketball Pilipinas League players na sina Axel Torres, John Vidal, John Cauilan, at JR Alabanza, na nag-uwi naman ng P100,000 bilang first runner-up.
Dinaig ng dalawang koponan ang anim pang ibang team sa ginawang single round robin elimination kahapon, kabilang ang Just Coco ni Prince Rivero, Team Enderun ng dating Batang Gilas na si Mike Dela Cruz, Team F4 ni UP Fighting Maroon AJ Madrigal, at Team BS Susim Shipping. Nagupi ng Metro Star Realty and Team Ballers sa semis, habang Team Arellano University 2 naman ang pinadapa ng Team Core para makatapak sa finals.
Naroon para gawaran ang mga nagsipanalo sa torneyo, na pinairal ang mga patakaran ng FIBA at may basbas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, sina ABS-CBN Sports head Dino Laurena, HBC president Temple Deng, AMSI Inc. president Rowena Tomeldan, at AMSI Inc. general manager Gabby Katigbak
Samantala, nananlo rin sa isang exhibition three point shootout ang pinakamagaling na tirador sa Vivo HoopBattle na sina Marco Sario (Team Ballers), AJ Madrigal (Team F4), at Mike Dela Cruz (Team Enderun) na tinapatan ng tatlong guest player na sina Jason Song, Camel Luo, and Young Sean mula sa Tsina. Naglalaro sina Song at Luo sa Chong Son Kung Fu sa ASEAN Basketball League, habang lumaban naman si Sean sa 2014 FIBA 3×3 World Tour.
Sina ABS-CBN Sports anchor Andrei Felix, UAAP basketball analyst Bea Daez, at NCAA courtside reporter Roxanne Montealegre ang nag-host ng program samantalang sina ABS-CBN Sports anchors Martin Javier at Renren Ritualo ang nagsilbing commentators sa livestream ng mga laro. Dumating din sina Inigo Pascual, Ponggay at Therese Gaston, Bobby Ray Parks Jr, Chris Tiu, at Jimmy Alapag upang makisaya.
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.