The Lady Altas and the Lady Chiefs will face each other in Game 1 of the NCAA Women’s Volleyball Finals on Friday (February 1)at 4 pm, which will be aired LIVE on ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, and via livestream on sports.abs-cbn.com, the ABS-CBN Sports YouTube channel, and iWant.
Perpetual at Arellano, maghaharap sa NCAA Finals
Hindi pa tapos ang inspiradong laro ng University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD) Lady Altas sa NCAA Season 93 Women’s Volleyball, matapos pataubin College of Saint Benilde (CSB) Lady Blazers para makapasok sa Finals.
Nabalewala ang twice-to-beat advantage ng Lady Blazers matapos matalo ng dalawang beses sa Lady Altas para makalaban ang Arellano University (AU) Lady Chiefs para sa kampeonato. Mapapanood ang Game 1 sa pagitan ng Perpetual at Arellano University Lady Chiefs sa Biyernes (Pebrero 1) ng LIVE sa ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at via livestream sa
sports.abs-cbn.com, ABS-CBN Sports YouTube channel, at iWant ng 4 pm.
Season 89 huling nagkampeon ang UPHSD, samantalang ikatlong sunod na korona ang nais makuha ng koponan ni coach Macky Cariño ngayong Season 94.
Bago ito, ipapalabas din ang bakbakan sa NCAA Men’s Volleyball Finals tampok ang kampeon na UPHSD Altas at ang CSB Blazers ng 2 pm. May pagkakataon ang Perpetual na gumawa ng kasaysayan dahil lalaban din sa Finals ang pambato nito sa Juniors division. Mula 2002, hindi pa naulit ang tagumpay ng San Sebastian College-Recoletos na nakuha ang titulo sa lahat ng dibisyon sa volleyball sa NCAA sa iisang season.
Samantala, pararangalan ng NCAA ang pinakamahusay na manlalaro sa volleyball ngayong season sa Pebrero 8 na susundan naman ng Game 2 sa Men’s at Women’s Volleyball Finals, na ipapalabas din sa TV at online simula 1:30pm.
Huwag palampasin ang NCAA Men’s at Women’s Volleyball Finals sa ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD,
sports.abs-cbn.com, ABS-CBN Sports YouTube, at iWant. Para sa mga balita sa NCAA, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o bumisita sa
sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.