News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel nagbigay pugay sa mga guro sa "It's Showtime”

October 11, 2019 AT 06 : 18 PM

Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) recently celebrated "National Teachers Month" and “World Teachers’ Day” by honoring educators from different parts of the country.

Nagbigay pugay ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa mga guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa pagdiriwang kamakailan ng "National Teachers Month" at “World Teachers’ Day.”
 
Samu’t saring sorpresa ang natanggap ng mga guro at ilang Department of Education school heads mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 5, kasama na ang tour ng ABS-CBN at panonood ng “It’s Showtime.” 
 
At noong Oktubre 5, na mismong araw ng “World Teacher’s Day,” sampung guro na sumulat sa Knowledge Channel para humiling ng educational videos para sa kanilang paaralan ang inimbita na manood ng "It's Showtime!" ng live. Ang hindi nila inaasahan ay ang biglang pag-anunsyo ng Knowledge Channel Foundation, Inc. President at Executive Director na si Rina Lopez-Bautista na lahat silang sampu ay mabibiyayaan ng Knowledge TV na may kasamang ABS-CBN TVplus at SKYdirect connection para sa malalayong lugar.
 
Kasama ang “It’s Showtime” hosts na sina Amy Perez, Anne Curits, Karylle, at Vice Ganda, ihihandog ang mga regalong ito sa mga sumusunod: Canaan West Elementary School sa Nueva Ecija, Putingkahoy Elementary School sa Lian Batangas, ALS Center sa Bacoor City Jail sa Cavite, Marian School of the Holy Redeemer sa Antipolo, Patong Elenntary School at Tabok ELementary School sa Calbiga, Samar, Pan-ay Diot Elementary School sa Misamis Occidental, Tumabao Elementary School sa Cotabato, Amungan Elementary School sa Zambales, at San Isidro Elementary School sa Laguna. 
 
“Dahil ika-sampung anibersaryo ng “It’s Showtime” at ika-20th anniversary ng Knowledge Channel, magbibigay pugay tayo sa ating mga guro, at tutuparin namin ng "It's Showtime" ang inyong hiling. …Sana makatulong ito sa pagtuturo ninyo sa mga kabataan ngayon. Sa amin kasi sa Knowledge Channel, naniniwala kami na "Ang Saya Matuto," ayon kay Lopez-Bautista.
 
“Happy Teacher's Day! Dapat everyday is like Teacher's Day kasi love na love natin syempre ang ating mga ma'am, sir, prof, teacher. Nakakakilig po na kinikilig kayo ngayon, kasi ang stressful nga naman ng trabaho ng titser. Samu't saring ugali ng mga estudyante ang pinakikisamahan ninyo. Pero iyan yung mga binubuno ninyo everyday, na wala kayong choice kungdi unawin at minamahal talaga ninyo ang ginagawa ninyo,” saad pa ni Vice Ganda.
 
“Kami lahat dito sa It’s Showtime, naging ganito kami, malaking bahagi po ng pagkatao namin ang nabuo sa eskwelahan, sa pamamamagitan at sa paraan ng pagsama namin at sa paggabay ng mga teachers namin na tulad po ninyo, kaya maraming, maraming salamat po! Happy po kami na happy kayo!” dagdag pa nito.
 
“Isang taos-pusong pasasalamat ang nasambit ng aking kalooban sa Knowledge Channel at sa “It’s Showtime” sa sorpresang handog para sa aming paaralan  sa Marian School of the Redeemer Inc. Ang handog na ito ay malaking tulong para sa aming paaralan at sa aming misyon sa mga kabataan sa Antipolo,” sabi pa ni Mark Anthony Ferrer, isa sa mga gurong nakatanggap ng Knowledge package para sa paaralan. 
 
Mas marami na namang masayang panonoorin ang mga kabataang sa Knowledge Channel dahil sa mga bagong programang tampok ang ilang Kapamilya stars tulad nina Enchong Dee para sa bagong season ng “Agricoolture,” Maymay Entrata at Khalil Ramos para sa pang-apat na season ng "Puno ng Buhay,” Marlo Mortel para sa educational game show na “Knowledge on the Go!,” at “MathDali” kasama si Robi Domingo. 
 
Ang mga bagong programang ito ay napapanood online sa www.knowledgechannel.org, sa pamamagitan ng Knowledge TV, at on-air sa Knowledge Channel at iba’t-iba pang platforms ng nagungunang media at entertainment na kompnay sa bansa na ABS-CBN Corporation.