News Releases

English | Tagalog

CSB AniGators kinilala bilang PH representative sa HADO World Cup

October 28, 2019 AT 04 : 11 PM

Crowned as first-ever HADO Pilipinas champ, the CSB AniGators will represent the country in the HADO World Cup this year.

Ang kauna-unahang HADO Pilipinas champion…

 
Tinanghal na kampeon ang De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) AniGators sa kauna-unahang NCAA HADO Pilipinas Tournament Finals na ginanap noong Biyernes (Oktubre 25).
 
Tinalo ng AniGators ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Crim Pythons para maging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping HADO World Championships sa Tokyo, Japan ngayong Disyembre.

Binubuo ang Anigators nina Niccolo Perez, John Basoc, Jael Dango, Mika Lariosa, at Fiel Julo na tinapos ang torneo na hindi nababahiran ng talo. Handa na silang harapin ang iba’t iba pang koponan ng HADO sa buong mundo para sa premyong nagkakahalaga ng ¥2 million.

Isang inobasyon ang Hado Pilipinas ng ABS-CBN subsidiary na ABS-CBN Themed Experiences, sa pagpapatuloy na paghahandog ng network ng kakaibang karanasan para sa mga Kapamilya. Unang ipinakilala ang nasabing techno sport noong Hulyo sa simula ng ika-95 na season ng NCAA.

Maaari nang masubukan ang HADO sa COSLANDIA 2019 sa SMX Aura sa darating na Linggo (Nobyembre 3). Nalalapit na ring buksan ang inaabangang HADO Camp sa loob ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang detalye, sundan lamang ang @hadopilipinas sa Facebook, Twitter at Instagram. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE