News Releases

English | Tagalog

Alab, gustong bumawi sa pagbubukas ng ABL Season 10 sa ABS-CBN S+A at iWant

November 14, 2019 AT 02 : 07 PM

Handa nang bumawi ang San Miguel-Alab Pilipinas sa pagbubukas ng ika-sampung season ng ASEAN Basketball League (ABL) sa darating na Linggo (Nobyembre 17) sa ABS-CBN S+A at iWant ng 7 pm.
 
Ang Mono Vampire ng Thailand ang unang makakatunggali ng pambato ng Pilipinas na pangungunahan nina Lo Domingo at Brandon Rosser, kasama ang mga bagong kakampi na sina DLSU Green Archer Andrei Caracut, dating ABL Finals MVP Jason Brickman, Jeremiah Gray, dating Batang Gilas member Jordan Heading, dating NU Bulldog na si Tzaddy Rangel, ang beterano at dating Letran wingman na si Aaron Aban, at dating UST Growling Tiger na si Louie Vigil. Magsisilbi namang world imports ni coach Jimmy Alapag sina Adrian Forbes, Khalif Wyatt, at Nick King.
 
Bukod sa Alab at Mono Vampire, may walo pang koponang nais masungkit ang korona ngayong season: Hong Kong Eastern, Singapore Slingers, Saigon Heat, Macau Black Bears, Formosa Dreamers, Fubon Braves, Westports Malaysia Dragons, at Wolf Warriors.
 
Pagkatapos makamit ang kampeonato sa ika-walong taon ng ABL, nasipa ang Alab sa quarterfinals noong nakaraang season. Makabalik kaya sa tugatog ng ABL ang Alab? Suportahan sila sa panonood ng home games LIVE sa S+A, S+A HD, at iWant habang mapapanood naman ng LIVE o via satellite ang mga laro nito sa labas ng bansa.
 
Huwag palampasin ang nalalapit na paghaharap ng San Miguel-Alab Pilipinas at Mono Vampire ngayong Linggo (Nobyembre 17) ng 7 pm sa iba-ibang plataporma ng ABS-CBN Sports.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa ABL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.