News Releases

English | Tagalog

Dokyu ng ABS-CBN na “Mga Kwento ng Klima,” ilalahad ang epekto ng climate change sa bansa

November 21, 2019 AT 12 : 37 PM

Produced by ABS-CBN DocuCentral in cooperation with the Oscar M. Lopez Center, “Mga Kwento ng Klima” chronicles how Filipinos are slowly evolving into a climate resilient people after picking up painful lessons from all the climate-related disasters that battered the country.

Mga Pilipino, natuto na ba sa bagyong Ondoy at Yolanda?

Sariwa pa sa alaala ng maraming Pilipino ang makapanlumong epekto ng bagyong Ondoy at Yolanda. Matapos makaligtas at makabangon sa mga kalamidad, masasabi kaya nating natuto na ang mga Pilipino sa nakaraan? Handa na ba tayo sa bantang dulot ng mga pagbabago sa ating klima?
 
Ito ang susubukang sagutin ng dokumentaryong “Mga Kwento ng Klima,” na ipapalabas ngayong Linggo (Nobyembre 24) sa Sunday’s Best.
 
Handog ng ABS-CBN DocuCentral sa kooperasyon ng Oscar M. Lopez Center, ipapakita sa “Mga Kwento ng Klima” kung paano unti-unting nagiging mas matibay tayong mga Pilipino, matapos tayong makapulot ng mapapait na aral mula sa mga kalamidad na rumagasa sa bansa.  
 
Uusisain din nito ang mga epekto ng climate change sa bansa, at ang pagsasanib-pwersa ng gobyerno, mga komunidad, at ibang organisasyon para solusyunan ang problema.
 
Panahon pa ng ating mga ninuno, malaki na ang impluwensiya ng klima sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino, mula sa ating mga gawain hanggang sa ating pagkain. Ngunit sa patuloy na paginit ng mundo, kailangan ang mas matinding paghahanda at kaalaman dahil sa nagiging marahas na ang epekto nito.
 
Huwag palampasin ang dokumentaryong “Mga Kwento ng Klima” mula sa ABS-CBN DocuCentral ngayong Linggo (Nobyembre 24) sa ABS-CBN “Sunday’s Best.” Maaari rin itong mapanood sa iWant. Para sa karagdagang balita tungkol sa mga dokumentaryo, i-follow ang @DocuCentral sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.
  
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE