News Releases

English | Tagalog

iWant, regalo ang libreng movies sa unang anibersaryo

November 21, 2019 AT 10 : 49 AM

iWant will make ten premium movie titles accessible for free to all its users every week for seven weeks, until January 5, 2020.

Isang malalaking pasasalamat at bonggang anniversary treat ang handog ng iWant sa unang anibersaryo ng relaunch nito dahil libreng mapapanood ang Pinoy movies sa streaming service simula ngayong buwan.
 
Sampung iba-ibang pelikula kada linggo ang maaaring i-stream ng iWant users mula Nobyembre 18 hanggang Enero 5, 2020 sa iWant, na muling inilunsad bilang isang bagong streaming platform noong Nobyembre 2018.
 
Sunod-sunod nang panoorin ngayong linggo (Nobyembre 18 hanggang 24) nang walang bayad ang “Kita Kita,” “Sid and Aya,” “Never Not Love You,” “”Dalawang Mrs. Reyes,” “My Ex and Whys,” “I Love You, Hater,” “Changing Partners,” “I’ve Fallen For You,” “Loving in Tandem,” at “100 Tula Para Kay Stella.”
 

Maaari na ring planuhin ng magbabarkada at pamilya ang kanilang movie marathon mula Nobyembre hanggang Disyembre 1 kasama ang mga pelikulang “Barcelona: A Love Untold,” “”First Love” “Sakaling Maging Tayo,” “Sin Island,” “My Perfect You,” “Die Beautiful,” “Last Night,” “Saving Sally,” Last Fool Show,” at “My Fairy Tale Love Story.”
 
Bukod sa mga ito, patuloy rin ang paglalabas ng iWant ng mga original movie at series na patok sa mga Pinoy, gaya ng “Manillennials,” isang serye tungkol sa masaya at masalimuot na mga buhay ng limang millennials sa Maynila. Magkakatambal din sina Joseph Marco at Yam Concepcion sa unang pagkakataon sa original series na “Uncoupling.”
 
Dapat ding abangan ang “Pet Rangers,” ang unang animated original series ng iWant para sa mga bata.
 
Masusubaybayan na rin ng mga Pinoy ang laban ng kanilang mga kababayan sa iWant, gaya na lamang ng pagpapakitang gilas ni Bb. Pilipinas Gazini Ganados sa Miss Universe 2019 competition at ng national teams ng bansa sa SEA Games. Hindi rin maiiwanan ang loyal sports fans dahil pagkatapos ng matagumpay na UAAP Season 82 Men's Basketball, mapapanood din sa iWant ang piling events sa SEA Games nang live o sa pamamagitan ng replay, pati na ang “Dayories,” isang iWant original sports documentary tampok ang UAAP stars na sina Ange Kouame, Rhenz Abando, at Ricci Rivero.
 
Ang iWant ang may pinakamalaking kolesyon ng Pinoy movies, shows, at live events, at naglalabas ng original movies at series kada buwan mula nang i-relaunch ito noong Nobyembre 2018 – patunay na unti-unti nitong binabago ang Filipino entertainment landscape sa larangan ng pagpoprodus ng digital content.
 
Katuwang din ng iWant ang iba’t ibang creators, producers, at direktor sa paggawa ng mga original na pelikula at serye na ekslusibong napapanood dito, kabilang na ang viral romance na “Glorious,” “Bagman,” “Ang Babae sa Septic Tank 3,” “Call Me Tita,” “MOMOL Nights,” “Past, Present, Perfect?” at ang advocacy series na “Mga Batang Poz” tungkol sa HIV-positive na teenagers na nagwagi ng Best Original Programme by a Streamer/OTT sa Asian Academy Creative Awards ngayong taon.
 
Manood na ng free premium movies sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph hanggang Enero 5, 2020. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.