News Releases

English | Tagalog

Mga pambato ng Pilipinas, nagsama-sama sa “Galing Natin Ito” event

November 10, 2019 AT 12 : 18 AM

Launched last July, the campaign aims to highlight the success of Filipinos in the world stage to inspire the nation to unite and help unleash each other’s potential for greatness. The song "Isigaw Mo" #GalingNatinIto, performed by over 20 OPM artists, serves as the campaign's anthem.

Mga atleta, artista, at kampeon, pinuri sa kanilang tagumpay 

Nagtipon ang ilan sa mga Pilipinong nagdala ng karangalan sa bansa tulad nina dating Miss Universe Pia Wurtzbach at ang international sensation na TNT Boys para ipagdiwang ang galing ng Pilipino bilang pakikiisa sa National Cheer Campaign.

Hulyo nang inilunsad ang kampanya na may layuning ibida ang tagumpay ng mga Pilipino sa mundo at magbigay inspirasyon sa bawat isa na ilabas ang kanya-kanyang galing. Ang awiting "Isigaw Mo" #GalingNatinIto, na inawit ng mahigit 20 na OPM artists, ang nagsisilbing pangunahing kanta ng kampanya.

Nakasama nina Pia at TNT Boys na sina Francis Concepcion, Keifer Sanchez, at Mackie Empuerto sa Robinsons Magnolia sina Gloc 9, Leanne & Narra, Pao Gumba, JKris, Philippine All Stars, Dancesport Philippine Team, at ang UPHSD Altas Perpsquad.

Naroon rin ang mga atleta tulad ni  Aby Maraño  mula sa Philippine volleyball team, ang UP Men’s Judo team, Pilipinas Ultimate Team, Philippine Jiu Jitsu team, Mapua Track and Field team, Hado Philippines, at International Downhill Federation.

Naroon din ang mga kampeon natin pagdating sa mathematics at architecture na sina Beacille Elago, Mohammed Nur Casib, Kristen Stefi Teh, Lance Chysler De Jesus, at Keean Nathaniel Tang, at ang grupo nina Kendrick Supnet, Beacille Elago, Robin Gale Bernabe, at Katrina Marie Redshaw.

Ang “Umagang Kay Ganda” anchor at atleta na si Gretchen Ho at komedyanteng si Alex Calleja, na pumangalawa sa Laugh Factory’s Funniest Person in the World noon, ang nagsilbing mga host. Tinuruan din nila ang pagturo ng “Isigaw Mo” #GalingNatinIto cheer sa mga naroon upang kanilang gawin sa tuwing may lumalabang Pilipino tulad na lang sa papalit na Southeast Asian Game.

Tampok sa opisyal na station ID para sa “Isigaw Mo” #GalingNatinIto ang iba-ibang Pilipino na nagpakita ng puso, utak, at lakas para malagpasan ang mga hamon ng buhay. Napapanood ito sa iba-ibang plataporma ng ABS-CBN sa TV at online sa ABS-CBN Sports YouTube channel.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.