ABS-CBN proved to be the network of choice for students, faculty, and staff at the De La Salle Araneta University (DLSAU), winning Most Outstanding TV Network and 16 other awards at the 2nd Gawad Lasallianeta Media Awards for the outstanding media communicators in the Philippines.
ABS-CBN, pinakamagaling sa TV, radyo, at digital
Pinatunayan ng ABS-CBN na ito ang paboritong network ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani sa De La Salle Araneta University (DLSAU) matapos maparangalang Most Outstanding TV Network at umani ng 16 pang tropeo sa ikalawang Gawad Lasallianeta Awards.
Maliban sa Most Outstanding TV Network na tropeo, kinilala rin ang Kapamilya AM radio station na DZMM Radyo Patrol 630 bilang Most Oustanding AM Radio Station at ang YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment bilang Most Influential YouTube Channel.
Nagwagi rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Maalaala Mo Kaya” bilang Most Outstanding Teleserye at Most Outstanding Primetime Weekend Program. Samantala, nanalo naman si Coco Martin ng “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang Most Outstanding Male TV Actor at si Liza Soberano ng “Bagani” bilang Most Outstanding Female TV Actress.
Hinirang din na “It’s Showtime” na Most Oustanding Variety show habang ang hosts nitong sina Anne Curtis at Vice Ganda ang tinanghal na Most Outstanding Female at Male TV Personality. Ang “Gandang Gabi Vice” naman ni Vice Ganda ang kinilala bilang Most Outstanding Talk Show.
Sa News and Current Affairs, nagwagi ang “Umagang Kay Ganda” bilang Most Outstanding Morning Show. Ginawaran rin ng tropeo ang “Matanglawin” bilang Most Outstanding Informative/Educational Show.
Sa radyo, pinili naman ng mga taga-DLSAU si DJ Chacha ng Kapamilya FM radio MOR 101.9 bilang Most Outstanding Female DJ.
Samantala, pinarangalan rin ang mga Kapamilya personality sa epektibong paggamit ng kanilang impluwensya sa online. Nanalo si Alex Gonzaga ng tropeong Most Influential Local Vlogger at si Vice Ganda ang pinangalanang Most Effective Twitter Influencer. Si Anne Curtis naman ang itinuring na Most Effective Celebrity Endorser.
Kinikilala ng Gawad Lasallianeta ang iba’t ibang propesyonal sa media para sa galing nila sa larangan ng komunikasyon at ang mabuting paggamit ng impluwensiya nila sa Pilipinas. Pinagbotohan ito ng lahat ng mga guro, kawani, at mag-aaral ng DLSAU mula Grade 9 hanggang graduate school.