JC Gamez, the Mucho Raketero of Rome, who proved his dependability and ability to get along well with other people, has been chosen to enter the PBB house last Sunday (February 17) as Kuya’s newest housemate, after the eviction of Tori, the Bombshell Sweetie of Singapore.
Madlang people maaaring magpapicture sa mga housemate
Dahil sa kanyang mahusay na pakikisama at pagiging team player pagdating sa mga trabaho sa loob ng “Camp Star Hunt,” nakapasok na sa bahay ni Kuya si JC Gamez, ang Mucho Raketero ng Rome bilang housemate noong Linggo (Pebrero 17) matapos lumabas ang Bombshell Sweetie ng Singapore na si Tori.
Pinanganak si JC sa Italya, kung saan naging puhunan niya ang kanyang sipag at determinasyon sa kanyang iba’t-ibang raket, gaya ng pagiging waiter at pagtuturo ng Italian, para maktulong sa mga magulang na OFW.
Sina Lyndon Oros, ang Gu-Role Model ng Quezon City, at dating model na si Grace Abrugar, ang Faithful Sur-Babe-Vor ng Pampanga naman ang mga bagong makikilala sa “Camp Star Hunt.” Anu-ano kaya ang kanilang mga haharaping pagsubok sa loob ng camp?
Hudyat ng pagpasok ni JC sa bahay ni Kuya ang paglisan ni Tori (26.02%) matapos makalikom ng pinakamababang bilang ng boto. Niligtas ng taong bayan sina Wakim (38.25%) at Mark (35.73%). Dalawang linggo pa lang namalagi si Tori sa bahay ni Kuya ngunit tumatak na siya sa mga housemates, lalo na kay Wakim na nagpahayag ng paghanga sa dalaga.
Sino-sino kaya sa mga housemate na susunod kay Tori matapos ianunsyo na dalawa ang matatanggal ngayong linggo?
Samantala, binibigyan naman ni Kuya ng oportunidad ang mga fans ng “PBB Otso” na magpa-picture sa mga housemate sa labas ng PBB house sa pamamagitan ng mga interactive standees ngayong love month ng Pebrero. Gamitin ang hashtag na #PBBPag8bigPhoto sa pag-post sa social media para magkaroon ng tsansang manalo ng t-shirt na exclusively signed ng teen Batch 1 ex-housemates.
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.