News Releases

English | Tagalog

“It's Showtime," hahanapan ng makakasama sa buhay ang mga single, byudo, at byuda

February 26, 2019 AT 03 : 45 PM

Noontime viewers continue to get their daily dose of good vibes from ABS-CBN’s “It’s Showtime” as it launched its newest segment “KapareWho."

Patuloy ang pagsubaybay ng mga manonood sa buong bansa sa “It’s Showtime” tuwing tanghali matapos nitong makakuha ng national TV rating na 19.5% noong Lunes (Pebrero 25) kasabay ng paglulunsad ng bago nitong segment na “KapareWho.”
 
Ang “KapareWho” ay isang compatibility game, kung saan tampok araw-araw ang dalawang “Who-mahanap” o mga dalaga o biyudang edad 40 taon at pataas na kinikilatis ang mga “Kala-who-k,” tatlong lalaking nakamaskara. Sa pamamagitan ng mga tanong at hamon, pipili ang dalawang “Who-mahanap” ng napupusuang maging kasama o kaibigan.
 
Kinagiliwan ng mga manonood ang paglulunsad ng “KapareWho” sa “It’s Showtime,” na tinalo ang kalabang programang “Eat Bulaga” na nagkamit lang ng 11.9%, pati na ang “Asawa Ko, Karibal Ko” (14.3%).
 
Mas makikilala rin ng mga manonood ang mga “Kala-who-k” sa segment dahil ang hindi mapipili ng dalawang “Who-mahanap” bawat araw ay mapapanood ulit kinabukasan.
 

Samantala, inabangan din ng buong bansa ang pagkorona sa “Miss Q and A InterTALAKtick 2019” na si Mitch Montecarlo Suansane noong Sabado (Pebrero 23) dahil nakakuha ito ng national TV rating na 27.4%, o halos 17 puntos na lamang sa 10.6% ng “Eat Bulaga” at halos 14 puntos na lamang naman sa 13.8% ng “Asawa Ko, Karibal Ko.”
 
Tuloy-tuloy pa rin ang countdown ng nangungunang noontime show sa bansa sa pagdiriwang ng ikasampung taon nito ngayong 2019. Panoorin araw-araw ang “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant (iwant.ph) o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.