“It’s Showtime” hosts Jugs Jugueta and Teddy Corpuz will be flying to Indonesia to observe and support the launch of the Indonesian version of the show.
Mas marami pang manonood ang mabibigyan ng saya at good vibes ng numero unong noontime show na “It’s Showtime” hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bahagi ng mundo ngayong ipapalabas na ito sa Indonesia simula Lunes (Marso 25).
Mapapanood na ng Indonesian TV viewers ang sariling bersyon nila ng “It’s Showtime” sa TV station na MNCTV. Isa rin itong milestone para sa Kapamilya network dahil ito ang kauna-unahang non-narrative format franchise o programang hindi teleserye na kinuha at ginawan ng bersyon sa ibang bansa.
Espesyal din ang pilot week nito dahil lilipad ang hosts na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa Indonesia para suportahan ang paglulunsad ng show sa naturang bansa. Maituturing na pioneers ng palabas ang tandem nina Jugs at Teddy dahil kabilang sila sa unang hosts nito mula noong morning talent show pa lang ito.
“Mula sa XB Gensan, kay Rachel Gabreza, at ang TNT Boys na nakatungtong na lahat sa global stage, patuloy na gumagawa ng marka ang ‘It’s Showtime’ at ABS-CBN sa pagdi-discover at pagbibigay ng de-kalidad na Filipino entertainment at world-class talent na maipagmamamalaki ng mga Pinoy. Napakalaking tagumpay at karangalan ito para sa amin lalo pa’t ipinagdiriwang namin ngayong taon ang 10
th anniversary ng ‘It’s Showtime,’” pahayag ng business unit head na si Peter Dizon.
It's Showtime business unit head Peter Dizon and hosts Jugs Jugueta and Teddy Corpuz
“Bukod sa pagiging proud na magkakaroon na ng ‘It’s Showtime’ sa Indonesia, tungkol talaga ito sa pagbabahagi ng saya sa madlang people doon at page-extend ng experience hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa,” dagdag pa niya.
Kasama sa Indonesian version ng “It’s Showtime” ang segments na pumatok at nagpasaya sa madlang people, kagaya ng “Sine Mo ‘To,” “Cash-Ya! Kaya!” ”Ansabe,” “Copy Cut,” at “Bida Dance.”
Sa pagpapatuloy ng year-long countdown ng “It’s Showtime” para sa 10
th anniversary nito ngayong Oktubre, hindi pa rin nagpapaawat ang palabas sa paggawa ng bagong segments na kinagigiliwan ng mga manonood mapa-TV man o online, gaya na lamang ng compatibility game na “KapareWho” at ang search para sa susunod na leading man na “Bida Man.” Magsisimula na rin ang tagisan sa bosesan sa Quarter 3 semifinals ng “Tawag ng Tanghalan” ngayong Abril 1.
Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang palabas kaya naman nagtala ito ng national TV rating na 20.1% o halos doble sa nakuha ng “Eat Bulaga” na 10.4%, base sa datos ng Kantar Media noong Huwebes (Marso 21).
Gaya naman ng local version nito, pangungunahan ng pinakasikat na Indonesian stars ang “It’s Showtime” Indonesia gaya ng singer-comedian-actor na si Raffi Ahmad, model-turned-actress na si Luna Maya, kilalang host na si Indra Herlambang, host-actress na si Chika Jessica, Filipino TV host at recording artist na si Leo Consul, at ang rockstar twins na Musbrother.
Tuloy-tuloy pa rin ang countdown ng nangungunang noontime show sa bansa sa pagdiriwang ng ikasampung taon nito ngayong 2019. Panoorin araw-araw ang “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant (
iwant.ph) o sa
skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.