News Releases

English | Tagalog

"PBB Otso" opens summer season with new batch of female teen star dreamers

April 02, 2019 AT 01 : 58 PM

May bagong susubaybayang kwento ng pagpapakatotoo ngayong summer ang mga manonood ngayong sasabak na sa mga pagsubok ni Kuya ang walong babaeng teen star dreamers na magtatapatan upang maging bagong housemates ng “Pinoy Big Brother: Otso.”
 
Isa-isa na ngang ipinakilala noong Linggo (Marso 31) ang bagong female teen star dreamers na magsasama-sama sa isang isla, kung saan patutunayan nilang karapat-dapat silang makapasok sa pinakasikat na bahay sa bansa.
 
Lalaban sina Angela Tungol, ang Hataw Hottie ng Bataan, at Sheena Catacutan, ang Dance-irella ng Isabela, na parehong gamit ang talento sa pagsayaw upang lumban sa hamon ng buhay. Pagiging masiyahin at positibo naman ang sandata nina Yen Quirante, ang PalangiTeen Dreamer ng Camarines Sur, at Narcy Esguerra, Ang Munting Bi-Tween ng Laguna, para makamit nila ang kanilang pangarap.
 
Handa naman na ang Miss Palangga-nda ng Cebu na si Kyzha Villalino, at ang Beautiful Bunso-weetie ng Albay na si Gwen Apuli na ipakita ang aral na natutunan nila bilang mga mabubuting anak at kapatid sa mga manonood. Patutunayan naman ni Ashley del Mundo, ang Adventurous Angel ng Australia, na bagama’t lumaki sa ibang bansa, nasa puso pa rin niya ang pagiging Pinoy.
 
Inspirasyon naman para kay Shami Baltazar, ang Miss Positivi-Teen ng Davao Del Norte, ang pagkakawalay sa ama para maging anak na puno at makipagsapalaran para sa pangarap.  
 
Samantala, dumagsa nga sa harap ng “PBB” house noong Linggo ang fans ng batch two “PBB Otso Big 4” na sina Andre Brouillette, Lou Yanong, Yamyam Gucong, at Fumiya Sankai na sabay-sabay na ring lumabas ng bahay ni Kuya. Naganap na rin ang pagboto ng taumbayan sa big winner ng batch two, na ire-reveal bago ang “Big Night.” Abot sa 52.9% ang nalakap na boto ng hindi pa pinapakilalang batch winner. Ang mga sumunod naman ay nakakuha ng 27.87%, 15.21%, at 4.02%. 
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.