News Releases

English | Tagalog

Agsunta may dalang pag-asa sa single na "Bagong Umaga"

April 03, 2019 AT 12 : 18 PM

Agsunta's "Bagong Umaga" brings out hope in love and affirmation to rise again after getting hurt, after experiencing lost, or after nearly giving up on life.

Pagkatapos ng dalawang buwang pananahimik…
 
 
Nagbabalik ang unti-unting sumisikat na OPM band na Agsunta tampok ang bago nilang single na “Bagong Umaga,” isang nakakaantig na pop-rock song na inilabas pagkatapos ng kanilang maikling pamamahinga online.
 
Mula sa DNA Music ng ABS-CBN ang comeback project ng Agsunta na isinulat naman ng vocalist ng banda na si Jireh Singson. Handog ng awitin ang pag-asa sa pag-ibig at lakas ng loob sa pagbangon para sa mga nasaktan, nawalan, o sumuko na sa laban ng buhay. 
 
Inilabas ng banda ang “Bagong Umaga” at inilunsad din ang music video nito sa MYX at sa ABS-CBN Star Music YouTube channel noong Biyernes. Agad namang nagtrending ang #BagongUmagaNgAgsunta sa Twitter dahil na rin sa fans na excited i-welcome ang Agsunta pagkatapos ng kanilang dalawang buwang pahinga.
 
Ayon kay Danna Gonzales @DannaGonzales23, naka-relate siya sa bagong awitin. Anya, “@Agsunta's come back is real!  The wholesome lyrics will hit you.  Bagong kanta, bagong umaga.  Bagong pag asa.”
 
Isa pang Twitter user ang natuwa sa pagbabalik ng banda at nagpasalamat sa kanilang bagong musika. Ayon kay Nadine @_thenadinea “@Agsunta I missed you! My heart is so happy you're finally back! I loved you then, I love you now, I love you always! Thanks for this wonderful new music.”
 
Nagdala naman ng pag-asa ang new single para kay Jazz @Jazz_min27. “And they’re baaack! @Agsunta love this! I’ve missed you guys. Wasn’t really feeling ok these days and this song just gave me hope that better days are coming. Sometimes, it’s the little things that keeps you going,” ayon sa post na inilahad niya sa Twitter.
 
Available na ang “Bagong Umaga” sa major digital platforms worldwide. Sundan ang @dnamusicph sa Facebook at Instagram para sa karagdagang detalye tungkol sa musika ng Agsunta. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE