News Releases

English | Tagalog

FAMAS, ginawaran ng Lifetime Achievement Award si Charo Santos-Concio

April 30, 2019 AT 10 : 38 AM

Multi-awarded actress and film producer and ABS-CBN chief content officer Charo Santos Concio was honored with a Lifetime Achievement Award at the 67th  Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards on Sunday (April 28) for her contributions to Philippine cinema.   

 
Mga pelikula sa C1 Originals, nagwagi

 
Pinarangalan ang premyadong aktres, producer, at chief content officer ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ng Lifestime Achievement Award sa ika-67 na taon ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS) noong Linggo (Abril 28) para sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.
 
Ayon sa FAMAS jury head na si Ricky Lee, isang gawarang screenwriter sa isang statement, nanguna sina Charo sa pagpapalaganap ng pelikulang Pilipino hindi lang sa mga gawain nila sa harap at sa likod ng kamera kundi sa dedikasyon nila sa pagunnlad ng mga bagong plataporma para sa mga bagong henerasyon ng mga gumagawa ng pelikula.
 
Maliban kay Charo, kinilala rin ng pinakamatandang organisasyon na nagbibigay ng parangal sa pelikula sa bansa ang mga direktor na sina Laurice Guillen at Marilou Diaz-Abaya.
 
Sa kanyang Instagram account, nagpahayag ng pasasalamat si Charo sa FAMAS.
 
“Thank you for appreciating my craft. I hope to be able to contribute more to the industry the best way I can. Mabuhay ang pelikulang Pilipino!” she said.
 
Nagsimula si Charo bilang production assistant bago siyang unang nakikilala bilang aktres sa “Itim” ni Lino Brocka. Umani siya ng ilan pang mga parangal sa mga ginampanan niyang karakter sa mga pelikula kasama ang “Tisoy,” “Kisapmata,” “Kakabakaba ka ba?” “Gumapang Ka sa Lusak,” “Hindi Mo Ako Kaya Tapakan,” at kamakailan lang sa “Ang Babaeng Humayo,” na nakapanalo sa kanya ng nominasyon bilang Best Actress sa prehistyosong Asian Film Festival Awards sa 2017.
 
Kabilang din siya sa mga tao sa likod ng mga klasikong pelikula tulad ng “Himala,” “Oro Palata Mata” at “Kisapmata” bilang producer.
 
Pinuri rin si Charo, na dating pangulo at CEO ng ABS-CBN, sa pagsusulong ng pagsasalba ng mga lumang pelikulang Pilipino sa ABS-CBN Film Restoration Project.
 
Umani rin ng tropeo ang tatlong aktres ng Kapamilya netwrok. Ginawaran ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis ng Fernando Poe Jr. Memorial Award para sa kanyang mga kontribusyon sa pelikula at TV. Siya ang unang babaeng nakatanggap nito. Nanalo naman si Maymay Entrata ng German Moreno Youth Achievement Award, habang si Maricel Soriano, na mapapanood ngayon sa “The General’s Daughter,” ang ginawaran ng King of Comedy Dolphy Memorial Award para sa lubos na kontribusyon niya sa mga pelikulang komedya. Samantala, kinilala rin ang DZMM Radyo Patrol 630 co-anchor ng “Mismo” na si Jobert Sucaldito na tumanggap naman ng Arturo Padua Memorial Award.
 
Nagwagi rin ang ilang mga pelikula mula sa 2018 C1 Originals Festival ng ABS-CBN cable channel na Cinema One sa iba’t ibang kategorya.
 
Panalo ng Grand Jury Prize for film ang “Never Tear Us Apart aka Fisting.” Nanalo rin ang bida ng “A Short History of a Few Bad Things” na si Victor Neri ng tropeong Outstanding Performance by an Actor in a Leading Role habang si Joem Bascon ng “Double Twisting Double Black” ang binigyan ng tropeong Outstanding Performance by an Actor in a Supporting Role.
 
Nanalo rin ang “Never Tear Us Apart” ng Best Musical Score para kina Erwin Romulo at Malek Lopez, habang ang pelikulang “Paglisan” ang umani ng tropeong Best Original Song para sa kantang “Buhay Teatro,” na gawa nina Teresa Barrozo (musiko), at Christela Marquez, Aica Ganhinhin, Carl Papa, at Erika Estacio (salita).
 
Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (na kilala bilang FAMAS Awards) ang natatanging parangal na ginagawaran ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), isang organisasyon ng mga gawarang manunulat at movie columnists para sa mga magagandang gawain sa industriyang pelikula.  
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE