News Releases

English | Tagalog

Nangungunang 2018 MMFF entry ni Vice na "Fantastica," bida sa KBO

May 02, 2019 AT 05 : 30 PM

Limang araw magpapasaya ang KBO ng ABS-CBN TVplus sa hatid nitong TV premiere ng pelikula ni Vice Ganda na "Fantastica" mula Mayo 1 hanggang Mayo 5. 

 

Sa naturang MMFF entry, kasama ni Vice ang dalawa sa mga respetadong aktor ng bansa na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. Maliban sa tatlo, napagsama din ng  pelikula ang tatlo sa tanyag na loveteams ng Kapamilya network na sina Maymay Entrata at Edward Barber, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, at Kisses Delavin at Donny Pangilinan.

 

Ang “Fantastica’ ay kwento ni Bellat (Vice) na gustong palaguin muli ang kanilang karnabal na "Perya Wurtzbach," lalo pa na ito ang kinagisnan niyang tirahan kasama ang kanyang inang si Fec (Jose), at adopted brothers na sina Daks (Ronnie), Pepe (Edward), at Junjun (Donny).

 

Dahil sa patong-patong na utang, darating sa puntong palalayasin na sila ng dating bestfriend ni Bellat na si Dong Nam (Dingdong). Ngunit hindi naman ito natuloy nang tanggapin niya ang offer ni Prince Pryce (Richard) na tutulungan siya kapalit ng paghahanap niya sa nawawalang prinsesa ng Fantastica na sina Rapunselya (Loisa), Maulan (Maymay), and Ariella (Kisses). Bukod dito, kinakailangan din niya ng 10,000 palakpak upang mabuksan muli ang mundo ng Fantastica. 

 

Ang "Fantastica" ang debut film ng director na si Barry Gonzales, ang assistant director ng pinakamalapit na direktor kay Vice na si Wenn Deramas. Ito rin ang highest grossing film ni Vice na tinalo ang nakuha ng "The Super Parental Guardians." 

 

Huwag palampasin ang TV premiere ng "Fanatastica" kasama ang mga pelikulang "Single Single:Love is Not Enough" na fresh din mula sa sinehan, "Every Breath U Take," "She's The One," "The Day After Valentines," at "Resureksyon." 

 

Para panorin ang KBO movies, mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahinangwww.abscbnpr.com.