News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, itinanghal na Best TV Station ng Lyceum Batangas

May 03, 2019 AT 05 : 17 PM

ABS-CBN earned another nod of approval from students and academe, earning its 4th Best TV Station award from Lyceum of the Philippines University-Batangas (LPU-Batangas) at the 4th Golden Laurel Media Awards.   The Kapamilya network also dominated the categories, winning 20 out for 30 awards in various categories.

Apat na taon nang panalo

 
Sa ikaapat na sunod na taon, pinili muli ng Lyceum of the Philippines University-Batangas (LPU-Batangas) ang ABS-CBN bilang Best TV Station sa ginanap na Golden Laurel Media Awards kamakailan lang sa eskwelahan.
 
Nakuha rin ng Kapamilya network ang karamihan sa mga award sa pangunguna ng mga teleseryeng “Halik,” na itinanghal na Best Primetime Series, at “Kadenang Ginto,” na nagwagi namang Best Daytime Drama Series.
 
Kinilala ring Best Drama Anthology ang “Maalaala Mo Kaya, ” Best Values Oriented Show ang “Wansapanataym,” at Best Entertainment Show ang “It’s Showtime.”
 
Panalo rin ang Kapamilya stars tulad ni Jericho Rosales na nakuha ang Best TV Actor para sa kanyang pagganap sa “Halik” habang si Julia Barretto ng “Ngayon at Kailanman” ang nanalong Best TV Actress. Pinarangalan din sina Jhong Hilario at Susan Roces ng “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang Best Supporting TV Actor at Actress.
 
Sa kategoryang news, pinili ng mga taga-LPU-Batangas ang “TV Patrol” bilang Best News Program habang ang anchors nitong sina Ted Failon at Bernadette Sembrano ang nanalong Best Male at Female Newscaster.
 
Umani rin ng parangal bilang Best Morning Show ang “Umagang Kay Ganda” habang ang “Tapatan ni Tunying” ang nakatanggap ng tropeo bilang Best Public Affairs Program. Ang “Salamat Dok” naman ang kinilalang Best Public Service Program.
 
Samantala, pinili ng mga mag-aaral ang Kapamilya stars na si Alex Gonzaga bilang Influencer of the Year at ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) bilang Loveteam of the Year.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa abscbnpr.com.