News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, pinaigting ang laban kontra fake news gamit ang videos ng “NXT”

June 24, 2019 AT 01 : 36 PM

ABS-CBN News strengthens its fight against disinformation and misinformation online with the launch of “NXT,” informative videos on current events and relevant issues produced for the digital generation of Filipinos.

Mas pinalakas pa ng ABS-CBN News ang kampanya nito kontra sa pagkakalat ng maling balita o impormasyon sa online sa paglunsad ng “NXT,” mga video na naglalaman ng impormasyon sa maiinit na isyu sa kasalukuyan na sadyang ginawa para sa digital na henerasyon ng mga Pilipino.  
 
Mapapanood sa “NXT,” na makikita sa mga online at social media page ng ABS-CBN News, ang paghimay sa mga komplikadong isyu at pangyayari sa pamamagitan ng mga video na maiikli pero siksik sa detalye, madaling panoorin, at unang ipapalabas sa digital. Ito ay bilang pagtugon sa nagbabagong pangangailangan at interes ng mga manonood pagdating sa balita.
 
Ayon sa ABS-CBN News Digital head na si Karen Puno, layunin ng “NXT” ang maging puntahan ng mga Pilipinong sa YouTube na nakasanayang manood ng mga balita lalo na at sila ang pinupuntirya ng mga nagpapakalat ng fake news. Para dito, bumuo ang ABS-CBN News ng team ng mga video journalist at producer na mahusay sa panibagong gamit at estilo ng paghahatid ng impormasyon sa digital.
 
Dagdag pa ni ABS-CBN Integrated News & Current Affairs head Ging Reyes, makakaagapay ng team na ito ang mga beteranong news reporter at researcher ng ABS-CBN News upang makapaghatid ng mga video na may tamang impormasyon at panibagong kaalaman. Mapapanood din sa “NXT” ang mga special report, pagpa-fact-check, at feature sa mga pinaguusapan na balita.
 
Kabilang sa mga nagawa na ng “NXT” ang video ng beteranong reporter na si Christian Esguerra na “#Halalan2019: Ano ba talaga ang trabaho ng senador?”  bago mag-eleksyon noong Mayo. Kasama rin dito ang “Millennial Meetup” series tampok ang anim na millennial na tinatalakay ang mga isyu sa bansa tulad ng mental health, same-sex marriage, at pederalismo. Tampok naman sa “Pipol” ang mga kwento ng mga indibidwal na nakagawa ng halos imposibleng bagay o may natatanging kwento tulad ni Jojo Bragais, na siyang gumawa ng agaw-pansin na sapatos ni Catriona Gray sa Miss Universe pageant. Simula nang ito ay nilunsad, nakakakuha ang mga video ng “NXT” ng page views mula 150,000 hanggang 2.5 milyon.
 
Bahagi ang paglunsad ng “NXT” sa patuloy na pagbabago ng ABS-CBN upang maging isang digital company na kasalukuyang may pinakamalawak na presensya sa online sa mga media network sa bansa, at may dumarami ring digital properties.
 
Abangan ang “NXT” videos sa YouTube, Facebook, at Instagram sa ng @ABSCBNnews. Para sa updates pumunta sa @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at twitter, o pumunta sa abscbnpr.com.