The show’s airing in another foreign territory further strengthens ABS-CBN’s international presence and fortifies the Kapamilya network’s reputation as a trusted producer of exceptional content for international audiences.
Hindi pa rin natitinag ang ABS-CBN sa pagpapalawak ng presensya nito abroad dahil umeere na sa nangungunang GMM channel sa Thailand ang seryeng “Forevermore” nina Liza Soberano at Enrique Gil na bumibihag ngayon sa maraming Thai viewers.
Dahil sa pag-ere ng “Forevermore” sa Thailand simula noong Hunyo, patuloy na tumitibay ang reputasyon ng ABS-CBN bilang pinagkakatiwalaan na producer ng mga programang tinatangkilik ng international viewers.
Sumunod din ang “Forevermore” sa yapak ng ibang teleserye ng Kapamilya network ngayong 2019 na tinatangkilik sa ibang bansa tulad ng “Pangako Sa’Yo” sa Dominican Republic, “Halik” sa Tanzania, “Hanggang Saan” sa Turkey, at “The Blood Sisters” in Kazakhstan.
Matatandaang pinakapinapanood na teleserye nationwide ang “Forevermore” noong 2014 na naging usap-usapan din bawa’t gabi sa Twitter. Dahil sa kasikatan ng Teleserye, naging tourist spot din ang La Presa strawberry farm sa Benguet.