News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, tuloy ang pagsaludo sa sundalong Pilipino

July 03, 2019 AT 02 : 18 PM

ABS-CBN continues to honor soldiers who dedicate their lives to helping and protecting Filipinos with the latest leg of the “Saludo sa Sundalong Pilipino” held at the AFP Southern Luzon Command (SOLCOM) Post in General Guillermo, Nakar, Lucena City.

Mga bida sa “Kadenang Ginto” at “PBB Otso” Big 4 Batch 2, nagpasaya sa mga sundalo sa Lucena

 
Patuloy ang pagpapasalamat at pagbibigay-pugay ng ABS-CBN sa mga sundalong inaalay ang kanilang buhay para tulungan at protektahan ang mga Pilipino sa “Saludo sa Sundalong Pilipino” na ginanap sa AFP Southern Luzon Command (SOLCOM) Post sa General Guillermo, Nakar, Lucena City.
 
Halos 500 na miyembro ng Armed Forces of the Philippines at ang kanilang mga pamilya ang nakasama sa araw na puno ng mga sorpresa, palaro, at papremyo, at pagkakaisa kasama ang ilang mga bituin at opisyal ng Kapamilya network.
 
Nanguna sa nakakatuwang palaro kasama ang mga bayani ng bayan sina Dimples Romana at Beauty Gonzalez ng “Kadenang Ginto” at sina Aljur Abrenica at Ejay Falcon na magsasama sa isang bagong teleserye sa ABS-CBN.
 
Samantala, song at dance number naman ang hatid ng “PBB Otso” Big Four Batch 2 na sina Andre Brouillette, Lou Yanong, Fumiya Sankai, at Yamyam Gucong, at ang “It’s Showtime’s” GirlTrends sa programa kasama ang hosts na sina Ahwel Paz ng DZMM at DJ Nikki ng MOR 101.9. Dumalaw rin ang ABS-CBN News reporter at anchor na si Jeff Canoy para magpasalamat sa kagitingan at katapangan ng mga sundalo na nasaksihan niya mismo nang magbalita siya mula sa giyera sa Marawi noong 2017.
 
Inihatid rin nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO na si Carlo Katigbak, at COO of broadcast na si Cory Vidanes ang pasasalamat ng buong network sa sakripisyo at serbisyong hinahatid ng mga sundalo.
 
Sama-sama namang nagsalu-salo ang mga sundalo, na pinangunahan ng SOLCOM commander na si Lt. Gen Gilbert Gapay at ang SOLCOM deputy commander na si B. Gen. Monico Batle, kasama ang kanilang mga bisita mula sa ABS-CBN sa pagtatapos ng programa.
 
Inilunsad ng ABS-CBN ang “Saludo sa Sundalong Pilipino” noong 2017 kung saan nakasama na rin ang mga bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Wildflower,” “Pusong Ligaw,” “Banana Sundae,” “Magandang Buhay,” at “Araw Gabi,” pati “Tawag Ng Tanghalan” finalists, Hashtags, at GirlTrends mula sa “It’s Showtime,” at iba pang Kapamilya stars tulad nina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Eric Nicolas, at Arci Munoz sa pagbibigay ng saya at serbisyo sa mga sundalo sa Cagayan De Oro, Tarlac, Nueva Ecija, at Manila.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Facebook, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.