News Releases

English | Tagalog

"Wildflower" ni Maja, nasusubaybayan na sa New Caledonia, Polynesia, at Reunion Islands

September 10, 2019 AT 06 : 20 PM

ABS-CBN continues to evolve into a global media and entertainment company as another one of its wildly successful TV series makes it groundbreaking launch in three French-speaking territories in the Pacific and Indian oceans, which aired in August 19 via French network, Outre-mer la 1ere.

Mas nakikilala na ang ABS-CBN bilang isang global media and entertainment company dahil umaarangkada na ang teleseryeng “Wildflower” sa tatlong French-speaking na mga lugar sa Pacific at Indian oceans simula noong Agosto 19 via Outre-mer la 1ere, isang sikat na French network.



Natutunghayan na ngayon ang “Wildflower” na pinagbidahan ni “The Killer Bride” actress Maja Salvador sa New Caledonia, Polynesia, at Reunion, na naging possible dahil sa ugnayan ng ABS-CBN at Ampersand Fiction, isang French content distributor. Umeere rin ito sa lahat ng French-speaking African countries dahil sa deal ng ABS-CBN sa Startimes at inaasahan din ang “Wildflower” na mapapanood sa Madagascar simula ngayong Oktubre.

Matatandaang isa sa mga sinusubaybayan na teleserye ang “Wildflower” noon at naging bida rin ito ng napakaraming memes.

Sumusunod ang “Wildflower” sa yapak ng iba pang teleserye ng ABS-CBN na tinatangkilik ngayong 2019 sa ibang bansa tulad ng “Pangako Sa’Yo” sa Dominican Republic, “Halik” sa Tanzania, “Forevermore” sa Thailand, “The Blood Sisters” sa Kazakhstan, at “The General’s Daughter” at “Ngayon at Kailanman” sa Myanmar, at ang upcoming co-production ng ABS-CBN at Limon Yapim ng “Hanggang Saan” sa Turkey.

Para sa karagdagang updates, pumunta lang sa https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.