News Releases

English | Tagalog

Dokyu tungkol sa “Genuine Love” ni Gina Lopez para sa mga Pilipino, Pilipinas, at Diyos, nasa iWant at YouTube

September 03, 2019 AT 05 : 43 PM

Netizens can now watch “Genuine Love,” the documentary on the life of service of former environment secretary on ABS-CBN News YouTube channel and on-demand on streaming service iWant.

Mga netizen, nagbigay-pugay sa yumaong ABS-CBN Foundation chair

Sa pamamagitan ng dokumentaryong “Genuine Love,” mas nakilala ang pagmamahal para sa mga bata, Pilipino, bansa, Diyos, at kalikasan ni Gina Lopez.

Ipinakita ito ng yumaong chairperson ng ABS-CBN Foundation sa kanyang mga sinimulang proyekto tulad ng mga palabas na “Sineskwela,” “Hiraya Manawari,” at “Bayani” na hinimok ang mga bata  na mahalin ang pag-aaral at bayan; ang unang rescue hotline para sa mga inabusong bata na Bantay Bata 163; at mga kampanya para sa kalikasan tulad ng Bantay Kalikasan, Save the La Mesa Watershed, Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig, at No to Mining in Palawan. 

Mapapanood muli ng mga netizen ang dokumentaryo sa YouTube channel ng ABS-CBN News at sa streaming service na iWant.

Nilikha ng ABS-CBN DocuCentral, ipinapakita ng “Genuine Love” ang iba-ibang aspeto ng buhay ni Gina mula sa mga kwento ng kanyang inang si Conchita, mga kapatid kabilang sina ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III at Creative Programs Inc. president Ernie Lopez, at mga naging katrabaho at kasama sa ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) tulad ni dating Bantay Bata 163 head Tina Monzon-Palma at Bantay Kalikasan program director Jen Santos.

Bumuhos ang mga papuri at pasasalamat kay Gina matapos ipalabas ang dokyu sa ABS-CBN noong Agosto 25, ilang araw matapos siyang pumanaw. Makikita rito ang karanasan niya bilang misyonaryo ng Ananda Marga, mga balita at panayam tungkol sa kanya at mga adbokasiya niya, kabilang ang huling interbyu sa kanya noong Hulyo, kung saan nagpakita pa rin siya ng buhay at pagasa sa kabila ng dinaranas na sakit.

Para sa Twitter user na si @djhamerabag, walang katulad si Gina na iniwan ang pamilya at maginhawang buhay para maglingkod sa kapwa.  Pinasalamatan naman siya ng Twitter user na si @champagnemiles para sa pagtulong sa mga komunidad na maglunsad ng kanilang sariling mga negosyo at proyekto sa pamamagitan ng ILove Foundation at “G Diaries.” Nais naman sundan ni @stephanie_hazel ang kanyang yapak dahil sa kanyang paglilingkod hindi para sa pera o kasikatan, kundi dahil sa pag-ibig para sa mga Pilipino at sa Diyos.

Mababasa ang iba pang tribute at kwento tungkol kay Gina Lopez sa pagsearch sa mga hashtag na  #GenuineLove at “MaramingSalamatGinaLopez.” Panoorin ang “Genuine Love” sa iwant.ph, iWant App, skyondemand.com.ph, o sa ABS-CBN News YouTube channel.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr on Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.