The streaming service jumpstarts another year with original offerings this 2020.
Umiikot sa pag-ibig at pamilya ang mga kwentong bubuksan ng iWant sa pagsisimula ng 2020 sa mga bagong handog nitong serye tampok ang love triangle nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at Zanjoe Marudo at ang mapait na love story nina Khalil Ramos at Elisse Joson ngayong Enero.
Siguradong makaka-relate ang marami sa umaapaw sa hugot at kasawian sa bagong seryeng “Ampalaya Chronicles,” kung saan bibida sina Khalil at Elisse sa pilot episode. Base ito sa sikat na spoken word poetry na “Ampalaya Monologues” at mapapanood na sa Enero 17.
Kilig, saya, at drama naman ang hatid ni Jodi bilang isang single mom na mahihirapang mamili kina Ian at Zanjoe sa “My Single Lady,” na ipapalabas simula Enero 22 at itatampok si Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Sa Enero 27, mga makabuluhang kwento ng kasaysayan naman ang ibabahagi ng iWant sa docudrama na “The Last Manilaners,” tungkol sa Jewish refugees na nakahanap ng tahanan sa Pilipinas noong panahon ng Holocaust.
Samantala, mapapanood na rin sa isang upuan ang original series na “Ang Babae sa Septic Tank 3” na pinagbibidahan ni Eugene Domingo sa panibagong movie cut nito na available na rin ngayon sa iWant.
Ilang panibagong tambalan naman ang dapat na abangan sa original iWant series ngayong 2020, tulad ng “I AM U” nina Julia Barretto at Tony Labrusca, “I” nina Zanjoe Marudo at Lovi Poe, “The Tapes” nina Yassi Pressman at Sam Milby, at ang “Sunday Night Fever” nina Nathalie Hart at Diether Ocampo.
Pagkatapos naman ng second season ng “Bagman” series, dudugtungan din ng iWant ang pakikipagsapalaran ng mga minahal na karakter sa star-studded na “Call Me Tita” at HIV advocacy series na “Mga Batang Poz,” na parehong magkakaroon ng ikalawang season.
Bukod pa sa “The Last Manilaners,” mapapanood na rin sa iWant ngayong 2020 ang award-winning biographical drama film na “Quezon’s Game,” tungkol sa pagsagip ni Pangulo Manuel L. Quezon ng higit sa isang libong Jewish refugees mula sa Germany at Austria simula noong 1938.
Para mapanood ng originals na ito, i-download ang iWant app (iOs at Android) at mag-register dito gamit ang Facebook, mobile o email, at gumawa ng Kapamilya account.
Abangan ang mga kapanapanabik na originals na ito sa iWant app o sa
iwant.ph. Para sa updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, o mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.