News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN TVplus Go pinarangalan bilang "Tech Toy of the Year sa ika-5 Yugatech Choice Awards

January 22, 2020 AT 05 : 12 PM

Pinarangalan ang ABS-CBN TVplus Go bilang “Tech Toy of the Year” sa katatapos lamang na 5th YugaTech Choice Awards sa kakayanan nitong gawing telebisyon ang Android smartphones para bigyan ang mga Pinoy commuters ng pagkakataong makapanood ng mga paborito nilang programa. 
 
Ang taunang parangal na sinimulan ng influential technology blog site na Yugatech, ay nagbibigay pagkilala sa mga produktong nakakatulong sa buhay ng Pilipino.
 
Ang ABS-CBN TVplus Go ay isang digital TV broadcast receiver na hindi nangangailangan ng mobile data para magamit. Inilunsad ito noong Hunyo June 2019 ng ABS-CBN, ang kauna-unahang television network sa bansa na lumipat sa digital broadcast ayon sa utos ng pamahalaan.  
 
Gamit ang TVplus Go, napapanood ng mga commuter ang maraming palabas sa ABS-CBN, ABS-CBN S+A, Myx, YeY, Knowledge Channel, at O Shopping. Naghahatid rin ito ng balita dahil napapanood dito ang DZMM TeleRadyo, pati na rin ang mga pelikula sa CineMo, Asianovela Channel, Jeepney TV, at Movie Central.
 
Ang YugaTech.com ay ang pinakamalaking technology site sa Pilipinas na naghahatid ng balita tungkol sa consumer electronics, social media, automotive, tech policy at nagsusuri ng mga kilalang devices na inilulunsad sa bansa.
 
Sinusuportahan ng ABS-CBN TVplus Go ang mandato ng gobyerno sa mga TV network na lumipat sa digital broadcast. Sa ngayon, nangunguna na ang ABS-CBN sa paglipat sa digital dahil ito ay nasa milyun-miyong tahanan na sa buong Pilipinas.
 
Dumalo sa parangal sina Dexter Chan, ABS-CBN TVplus Go Product Marketing head, A.R. Polinar, Digital Terrestrial Television Integrated Marketing Communications head, Shiena Marie Pantinos,  ABS-CBN TVplus Go Product Manager, and Angelica Prisca Agustin, at ABS-CBN TVplus Go Product Manager, upang tanggapin ang award. 
 
Ang ABS-CBN TVplus Go ay magagamit kung saan mayroong digital TV signal katulad ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas, Tarlac, Pangasinan, Baguio City, Cavite, Laguna, Iloilo City, Bacolod City, Metro Cebu, Cagayan de Oro City, at Davao City. Mabibili ito sa halagang P799 at magagamit sa labas ng tahanan.