Isang big family musical celebration ang naghihintay sa mga manonood ngayong Linggo (Octubre 18) dahil sasabak ang biggest and brightest Kapamilya stars sa “ASAP Natin ‘To,” na mapapanood nang live sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.
Samahan sina Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Sarah Geronimo ang i-welcome ang special guests mula sa hit ABS-CBN shows na sina Judy Ann Santos, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Charo Santos Concio, Susan Roces, Coco Martin, Angelica Panganiban, at Vice Ganda.
Abangan ang pasabog na musical number ng Asia’s Songbird Regine Velasquez kasama ang young divas na sina Elha Nympha, Janine Berdin at ang champions mula sa "The Voice Kids Season 2."
Aapaw rin sa kilig dahil darating ang "The House Arrest Of Us" stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Tunghayan ang world class performance mula sa Broadway star Lea Salonga at musical collaboration ng international pop band Lukas Graham at ng Asia's Soul Supreme KZ Tandingan, Fearless Diva Jona, Kyle Echarri, at The Voice Heartthrob Jeremy Glinoga.
Dance showdown naman ang hatid ng Queen of the Dancefloor Kim Chiu at Dancefloor Sweetheart na si Maymay Entrata. Hindi rin pahuhuli ang Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz sa kanilang special number.
Bibigyang pugay naman ng “ASAP ‘Natin To” ang mga awitin ng Queen of Hugot Songs at Most streamed Filipina artist na si Moira dela Torre kasama sina Soul Siren Nina at Divine Diva Zsazsa Padilla. Pakinggan din ang bagong single ng Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa 5th anniversary ng "FPJ’s Ang Probinsyano."
Huwag palampasin ang “One Big ASAP Family Celebration” ngayong Linggo (Oktubre 18), 12 NN sa A2Z Channel.
Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.
Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing Linggo sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), pati na rin sa iWantTFC.
Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwantTFC app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.