News Releases

English | Tagalog

Ricky Lee, ituturo ang mga sikreto sa pagsusulat sa "Trip to Quiapo" ng iWant TFC

October 20, 2020 AT 10 : 15 AM

Based on his best-selling scriptwriting manual

Matututo ang viewers na gumawa ng sarili nilang pelikula o kwento mula sa award-winning writer na si Ricky Lee sa iWant TFC original docu series na “Trip to Quiapo,” hango sa best-selling scriptwriting manual niya simula ngayong Miyerkules (October 21) sa iWant TFC app at website.

Sa limang eisodes nito, ibabahagi ni Ricky ang kaalaman niya sa pagsusulat ng kwento at pagbuo ng mga karakter, paano humugot ng inspirasyon, at maging ang mga karanasan at aral niya mula sa buhay at higit sa 40 dekada sa industriya. Idinirek ang serye ni Treb Monteras, na siya ring nagdirek ng Cinemalaya 2017 Best Film na “Respeto.”

Bibida rin si Enchong Dee sa serye bilang si Julio Manunulat, ang representasyon ng mga taong gustong magsulat ngunit nahihirapang buuin ang kanilang mga konsepto.

Ayon kay Ricky, pinagdaanan niya rin ito at hindi rin niya alam saan magsisimula noong baguhang writer siya.

“Marami akong pinagdaanan at pagkakamali bago ako natuto. At hanggang sa ngayon, natututo pa rin. At ngayon para sa inyong mga gustong matutong magkwento, susubukin kong ibahagi sa inyo ang mga karanasan at kaalaman ko matapos ang ilang dekadang pagsusulat. Pero ang actual na pagsusulat, baka hindi lahat matutunan dito dahil buhay ang gagawa nun,” pahayag ni Ricky.

Bukod sa mga diskusyon, ilalahad din sa serye ang kwento ng buhay ni Ricky, paano niya minahal ang pagsusulat, at kung bakit siya masigasig sa pagtuturo nito.

Panoorin ang “Trip to Quiapo” sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.