News Releases

English | Tagalog

Charo magdadala ng inspirasyon sa bagong FYE show na "Dear Charo"

October 21, 2020 AT 02 : 34 PM

Charo will make Kumuzens part of the conversations in "Dear Charo," streaming on @fyechannel starting October 26 (Monday).

Makakasama sina Bro. Eddie at Kim bilang guests sa unang episode

 
Magiging bahagi ang mga manonood ng nakaka-inspire na usapan kasama ang award-winning actress at TV host na si Charo Santos sa pinakabagong programa sa FYE Channel na “Dear Charo” na mapapanood sa Pinoy livestreaming app na Kumu simula Lunes (Oktubre 26).
 
Bukod sa pagiging host ng “MMK” na nalalapit nang mag-ere ng bagong episodes, handa nang ipakita ni Charo ang kanyang lighter side at maghatid ng masasayang kwento sa bagong digital platform.  Makakasama niya bilang co-host ang ABS-CBN Creative Communications Management head na si Robert Labayen na nasa likod ng mga Christmas station ID ng Kapamilya network tulad ng “Bro, Ikaw ang Star ng Pasko,” “Thank You for the Love,” at “Family is Love.” 
 
Pangungunahan nina Charo at Robert ang kwentuhan kasama ang ilan sa mga kilalang personalidad sa loob at labas ng showbiz pati na rin ang Kumuzens tuwing Lunes sa loob ng apat na linggo. 
 
Tampok sa pilot episode ng “Dear Charo” ang evangelical leader at Zoe Broadcasting Network founder na si Bro. Eddie Villanueva at ang aktres at “U-Turn” lead star na si Kim Chiu bilang guests.
 
Mapapanood na ang “Dear Charo” tuwing Lunes simula Oktubre 26, 8 pm sa FYE Channel. Magdownload na ng Kumu app at sundan ang @fyechannel. Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (abscbnpr) at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom