News Releases

English | Tagalog

"Iba Yan" ni Angel Locsin, sagot ang Noche Buena ng mga Kapamilyang kumakayod sa gitna ng pandemiya

November 16, 2020 AT 01 : 17 PM

Tuloy ang Pasko ng mga Kapamilya nating masipag na kumakayod sa kalsada sa gitna ng pandemya dahil hatid nina Angel Locsin at ng "Iba Yan" ang kanilang Noche Buena. 

 

Bawat Linggo, dalawang Kapamilya natin ang makakakuha ng sorpresa mula kay Angel bawa’t Linggo sa bagong segment na "Tuloy ang Pasko sa Iba Yan." 

 

Unang natunghayan ng viewers noong Linggo (Nobyembre 15) ang kwento ni Jinggoy Macabenta, isang trabahador sa Divisoria na nasunugan ng bahay sa Happy Land, Tondo, Manila noong Abril. 

 

Kwento ni Jinggoy na noong masunugan sila ay tanging iniisip niya ang maligtas ang 72-taong gulang na ama na si Domingo na na-stroke. 

 

Mahirap ang sitwasyon ni Jinggoy dahil siya rin ang breadwinner sa pamilya at kasama pa niyang naninirahan ang asawa at dalawang anak pati na ang kanyang apat na kapatid at magulang. 

 

Samantala, ibinida rin ni Angel noong weekend ang mga Kapamilya nating magsasaka. Ipinakita sa nasabing episode ang kani-kanilang sitwasyon ngayon at kung paano sila patuloy na nagsusumikap sa gitna ng bagyo at pandemiya. 

 

Huwag kalimutangsundan ang mga kwentong kapupulutan ng aral sa “Iba Yan” sa A2Z channel.

 

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

 

Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing Linggo, 6:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa) at sa ABS-CBN TVplus.

 

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com.  Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom