News Releases

English | Tagalog

Lesha, nagbalik-tanaw sa malungkot na karanasan sa kantang "sad songs"

November 03, 2020 AT 04 : 46 PM

The forlorn track is a chant of letting go and enduring the feeling of being trapped in flashbacks of a lost love.

Ipinahayag ng rising Star Music artist na si Lesha ang matinding lungkot na naramdaman sa bagong single na “sad songs,” na mapapakinggan na sa iba’t ibang music platforms ngayong Biyernes (Nobyembre 6).

“Sinulat ko ang ‘sad songs’ noong time na nag-struggle ako na hanapin ang sarili ko sa lahat ng ingay at negativity sa paligid,” kwento ni Lesha. “I’m a naturally happy and bubbly person, kaya’t naging heartbreaking ang panahon na hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa lungkot na naramdaman ko.”

Ang “sad songs” ay isang awitin ng paglimot at pagbangon mula sa pagiging ‘trapped’ sa pag-ibig na nagtapos na.

“Gusto ko ring ipadama ang frustration ko sa pagiging ‘stuck,’ na relatable ngayon dahil sa pandemya,” dagdag pa ni Lesha.

Sinusundan ng bagong awitin ang huling solo release ng singer-songwriter na “Ciao, Bella,” na tumanggap ng suporta mula sa iba’t ibang music platforms tulad ng Apple Music at Spotify.

Isa rin si Lesha sa mga umawit ng kantang “HEAL,” na kolaborasyon ng Southeast Asian female artists na handog ng ABS-CBN Music International para makalikom ng pondo para sa Pantawid ng Pag-ibig.

Pakinggan ang “sad songs” simula Biyernes (Nobyembre 6) sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

Photo courtesy of John Christopher Sean Gellidon

Photo courtesy of John Christopher Sean Gellidon

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE