News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel Foundation at DepEd pinagtibay ang partnership

February 28, 2020 AT 05 : 59 PM

Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) and the Department of Education (DepEd) renewed their partnership to roll out the “Basa, Bilang” project, which seeks to develop the reading and math skills of Kindergarten to Grade 3 learners using curriculum-based videos.

Pinagtibay muli ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) at Department of Education (DepEd) ang kanilang partnership para sa implementasyon ng mga proyekto tulad ng “Basa, Bilang” para ma-develop ang kakayahan sa pagbabasa at pag-unawa sa math ng mga Kindergarten hanggang Grade 3 na mag-aaral gamit ang curriculum-based na mga video.

Hatid rin ng partnership ang 10-12 month na certificate course Program para sa Inclusive at Innovative Master Educators (PRIME) sa mga guro sa primary grades.

“We are eager, excited and hopeful to reach more, teach more and help DepEd improve learning outcomes among Filipino children, especially in reading comprehension and mathematics,” said KCFI president and executive director Rina Lopez Bautista. 

“Umaasa kaming mas marami pang maabot at magabayang mag-aaral at matulungan ang DepEd na mapabuti pa ang performance ng mga mag-aaral sa reading comprehension at mathematics,” pahayag ni KCFI president at executive director na si Rina Lopez Bautista. 

Ang nilagdaang kasunduaang ito ang magbibigay daan para sa donasyon ng mga educational videos para sa senior high schools at mga paaralan sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad at kaguluhan; pati na rin sa pagsasatupad ng “Edukalidad sa Kalamidad,” isang alternatibong learning intervention program na nagbibigay ng mga materyales para sa KnowledgeTV at pagsasaayos ng mga programa sa Knowledge Channel upang makahabol ang mga kabataang naapektuhan ng kalamidad o sakuna, kasama na ang karagdagang tulong psychological at educational para sa mga kabataang Pilipinong nasa mga sitwasyong pang-emergency.
Matagal nang nagsasanib-pwersa ang KCFI at DEpEd sa pagbibigay ng kaukulang edukasyon at pagpupuno sa “learning gaps” sa limang milyong mag-aaral sa mahigit sa 8,000 na pampublikong paaralan at mga alternatibong learning system centers sa Pilipinas.

Samantala, sabi naman ni DepEd Sec. Leonor Magtolis Briones na “mas malawak ang napagkukuhanan ng impormasyon ng mga mag-aaral sa labas ng kakayanan ng DepEd ngayon.”
“Mas mabuting magkasangga ang dalawang haligi ng edukasyon lalo na sa pagpapatibay ng curriculum para mas maayos at kapakipakinabang ang pamamahagi ng kaalaman para sa ikabubuti ng mga mag-aaral,” dagdag pa nito.

Tanging KCFI ang nag-iisang non-profit organization sa bansa na nag-dedevelop at nagbibigay access sa DepEd K-12 curriculum-based education videos on-air sa Knowledge Channel at iba pang ABS-CBN platforms, online sa www.knowledgechannel.org at youtube.com/knowledgechannelorg, offline sa KnowledgeTV at sa portable media library na ipinamamamhagi sa mga paaralang may kaukulang training ng mga guro.
 
Para sa higit pang impormasyon sa KCFI, pumunta sa www.knowledgechannel.org o sundan ang @kchonline sa Twitter at @knowledgechannel sa Facebook.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE