News Releases

English | Tagalog

Pagmamahal ng ina at pagmamalasakit sa kapwa, tampok sa "24/7” ni Julia

February 07, 2020 AT 10 : 28 AM

Julia will do everything for her son in her upcoming action-drama series.

Maraming fans na ang excited sa pagbabalik-telebisyon ni Julia Montes matapos nilang masilip ang makabuluhan at napapanahong kwentong tampok sa “24/7,” ang action-drama series ng aktres na mapapanood ngayong Pebrero.
 
Nakakuha na ng halos dalawang milyong views ang trailer ng “24/7," isang Dreamscape original series. Susundan nito ang buhay ng single mom at security guard na si Mia (Julia) na gagawin ang lahat maisalba lang ang kanyang anak mula sa epidemyang dala ng isang bagong uri ng dengue.
 
Sa kabila ng pag-aagaw-buhay ng anak, kailangan niyang hanapin ang gamot para sa naturang sakit bago maging huli ang lahat.
 
Pinamagatang “24/7” ang serye dahil ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak – pagmamahal na hindi natutulog. Hangad din nitong magdala ng kamalayan tungkol sa mahahalagang isyu sa lipunan at tatalakayin ang responsibilidad na nararapat na gampanan ng lahat –   mayaman man o mahirap – sa isa’t isa.
 
Ang makapangyarihang kwento ay bibigyang buhay ng powerhouse cast na kinabibilangan nina Pen Medina, Arjo Atayde, Edu Manzano, Denise Laurel, JC Santos, Anna Luna, Joross Gamboa, Melissa Ricks, Pepe Herrera, Paeng Sudayan, Eric Fructuoso, Benj Manalo, Patrick Sugui, Joem Bascon, Alora Sasam, Amy Austria, Meryll Soriano, McCoy De Leon, at Matt Evans. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Darnel Villaflor.
 
Huwag palampasin ang Dreamscape original series na “24/7” ngayong Pebrero na sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.