News Releases

English | Tagalog

Kapamilya love, damang-dama ng mga bakwit sa “Tulong-Tulong sa Taal” campaign ng ABS-CBN

February 08, 2020 AT 03 : 05 PM

Bukod sa relief operations, naghatid din ng “serbisyo at saya” ang Kapamilya network sa evacuation centers sa pamamagitan ng “Kapamilya Love Daily,” kung saan naghandog ng mga palaro at storytelling session ang ilang ABS-CBN employees at artists sa evacuees.

Kapamilya network, tuloy ang paghahatid ng serbisyo at saya sa mga evacutation center

Tuloy ang pagtupad ng ABS-CBN sa pangako nitong walang maiiwang Kapamilya sa kampanyang “Tulong-Tulong sa Taal” na may layuning makapaghatid ng serbisyo sa lahat ng Pilipinong lubos na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.
 
Noong Pebrero 4, tinatayang 113 evacuation centers na ang napuntahan ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation, kung saan 21,322 na pamilya o aabot sa 106,610 katao ang nakatanggap ng relief packs, habang 5,403 ang nakakain ng mainit na sopas mula sa soup kitchen, at 663 na indibidwal naman ang binigyan ng psychological first aid.
 
Bukod sa relief operations, naghatid din ng “serbisyo at saya” ang Kapamilya network sa evacuation centers sa pamamagitan ng “Kapamilya Love Daily,” kung saan naghandog ng mga palaro at storytelling activity ang ilang ABS-CBN employees at artists sa evacuees. Nanguna rin sila sa pamamahagi ng relief packs, hygiene kits, at Ligtas Bags na makakatulong sa kanila sakaling kailanganin muli nilang lumisan sa dahil sa sakuna.
 
Patuloy ding nakakapanood ng kanilang mga paboritong programa ang mga bakwit sa paglalagay ng viewing station ng SKYcable at Knowledge Channel Foundation Inc.
 
Samantala, naghatid din ng kaalaman sa pagiging handa at ligtas sa ganitong panahon si Kuya Kim Atienza na napanood sa TV, radyo, at online, bukod sa news reports at updates mula sa ABS-CBN News.
 
Ipinaabot ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang taus-pusong pasasalamat ng ABS-CBN sa lahat ng nag-donate, volunteer, at nagdasal para sa mga kababayan nating biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
 
“Sama-sama nating hinaharap ang hamon. Kaya naman sa gitna ng pagsubok, marami tayong mga Kapamilyang napapangiti at naaalalayan,” aniya.
 
Isa ang ABS-CBN sa unang naghatid ng tulong sa evacuation centers matapos balutin ng abo ang buong isla ng Taal at mga karatig bayan sa Batangas at Cavite, na dahilan upang lumisan ang libo-libong pamilyang Pilipino sa kanilang mga tahanan. Patuloy ang pagiikot ng ABS-CBN sa mga evacuation center, kahit maraming bakwit na ang umuwi sa kani-kanilang tahanan. Nagsimula na rin ang clean-up drive sa mga paaralan para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante.
 
Samantala, tumatanggap pa rin ng ABS-CBN ng in-kind at cash donations para sa Taal evacuees. I-follow ang ABS-CBN Foundation (@abscbnfoundationinc) sa Facebook para sa mga detalye. Maki-balita sa Taal Volcano eruption sa ABS-CBN, ANC, DZMM, news.abs-cbn.compatrol.ph at ABS-CBN News App. Gamitin ang hashtag na #TulongTulongsaTaal.  Para sa iba pang updates, i-follow ang ABS-CBN (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.