Grab users can now use their GrabRewards points to enjoy ad-free viewing of shows and movies on iWant.
Maaari nang ma-enjoy ng mga gumagamit ng Grab ang panonood sa iWant nang tuloy-tuloy at walang ads gamit ang naipon nilang GrabRewards points.
Sa Grab app, makakapili ang users ng promo na gusto nilang gamitin para makuha ang iWant premium access. Maaaring ito’y isang araw (katumbas sa 105 GrabRewards points) o pitong araw (405 points) para makapanood ng iWant original shows at movies, mga paboritong ABS-CBN programs, Pinoy movies, mga dokumentaryo at balita, mga laro, pati na premium content gaya ng bagong mga pelikula.
Magagamit ang GrabRewards points sa iWant app at website hanggang Agosto 31. Para matubos ang reward, hanapin ang napiling promo sa Rewards catalogue ng Grab at i-click ang Redeem. Pagkatapos, buksan ang iWant app, i-click ang My Account > Redeem, ilagay ang Grab code sa Voucher, at i-click ang Process Payment.
Buwan-buwan, nadadagdagan ang mapagpipiliang panoorin sa iWant nang libre. Ngayong Marso, ekslusibong ipapalabas dito ang sexy romcom ni Roxanne Barcelo na “Fluid” simula Marso 13, ang “The Tapes” nina Sam Milby at Yassi Pressman sa Marso 18, at “Beauty Queens,” tampok si Gloria Diaz, sa Marso 25.
Bubuksan din ng iWant ngayong buwan ang bagong documentary series na “Trip To Quiapo,” base sa scriptwriting manual ni Ricky Lee. Samantala, patuloy na nagbabaga ang mga laro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Men’s and Women’s Volleyball na mapapanood din nang live o anumang oras na gustuhin.
Samantala, pasiglahin ang usapan sa Viber gamit ang iWant Originals stickers tampok ang mga linya mula sa “Glorious,” “MOMOL Nights,” “Call Me Tita,” “Past, Present, Perfect,” “Taiwan That You Love,” “Abandoned,” at “Septic Tank 3.” Maaaring i-download ang libreng pack mula sa Viber Sticker Market.
Panoorin ang mga kapanapanabik na originals gamit ang GrabRewards sa iWant app o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH, at sumali sa Viber Community ng iWant.