News Releases

English | Tagalog

Kuya Kim at “Matanglawin,” 12 taon nang naghahatid ng saya at kaalaman

March 06, 2020 AT 03 : 28 PM

There is no stopping Kim Atienza and his multi-awarded educational program “Matanglawin” from telling stories that inform and entertain Filipinos, both young and old.

Kyle Echarri ng  “Gold Squad,” makikisaya sa month-long celebration

Walang makapipigil kay Kuya Kim Atienza at sa premyadong programa niyang “Matanglawin” sa paghahatid ng kaalaman at saya sa mga Pilipino, bata man o matanda.

Ngayong Linggo (Marso 8), ang “Gold Squad” member na si Kyle Echarri naman ang magiging mapanuri, mapagmatyag, at mapangahas sa kanyang mga eksperimento kaugnay ng “Laws of Physics” sa pagpapatuloy ng pagdiriwang para sa ika-12 taon ng programa sa ABS-CBN.

Makakasama ni Kyle ang isang fan sa “Matanglawin’s” School of Science-Saya sa loob ng Aqua Planet, ang pinakamalaking water-theme park sa bansa.

Kasunod nito ay ang maaksyong kwento ng “spartans” ng kasalukuyang panahon, na sumabak sa isang matinding obstacle course race (OCR). Patok ang OCR ngayon sa mga fitness buff dahil sa nakatutulong ito pagandahin ang daloy ng dugo, itinatama ang paghinga, at pinalalakas ang mga muscle, bukod pa sa ibang benepisyo sa kalusugan.

Noong nakaraang linggo, sina “UKG” host Gretchen Ho at “PBB Otso” Big Winner Yamyam Gucong ang nagsimula ng selebrasyon ng pinaka-pinarangalang educational program sa Pilipinas. Makakasama rin ngayong buwan si Darren Espanto, na kikilalanin ang kulturang Dumagat sa Mt. Purro Nature Reserve, at si “PBB Otso” hunk Gino Roque, na darayo naman sa napakagandang ilog ng Tinipak.

Abangan ang iba pang mga sorpresa nina Kuya Kim at ng “Matanglawin” sa month-long 12th anniversary celebration ng programa tuwing Linggo ng 9:45 am sa ABS-CBN at  iWant.  Sundan ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter para sa updates sa programa. I-follow ding ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.