News Releases

English | Tagalog

Kritiko, ilulunsad ang bagong rap song na "Amazak"

April 01, 2020 AT 05 : 18 PM

Stream Kritiko’s “Amazak” on various digital streaming starting Friday (April 3).

May kwento tungkol sa bawal na pag-ibig
 
Sisimulan ni Kritiko ang kwento ng isang bawal na pag-ibig sa bago niyang kanta na “Amazak” mula sa Star Music.
 
Naging tampok sa New Music Friday playlist ng Spotify ang inilabas na awitin noong Biyernes (April 3).

“Malapit sa puso ko ang kanta dahil na rin sa ito ang first song na isinulat ko na may tono na halos kapareho sa normal na pag-awit,” kwento ng rapper-composer.
 
Malaking bagay din daw ang naging transformation niya bilang artist na makikita sa paglipat niya mula sa pagsusulat ng mga inspirational na kanta papunta sa mas senswal na mga awitin.
 
Isinulat ni Kritiko ang rap song na tungkol sa masidhing pagnanais ng isang tao na makasama ang minamahal niya, at maririnig sa mga rap verse nito ang mga pinagdaraanan niyang pagsubok na pumpigil sa relasyon. Ang title ng kanta ay kabaligtaran ng salitang ‘kasama.’
 
Uumpisahan ng “Amazak” ang tatlong original rap-love songs na tatalakay sa parehong usapin, na magiging bahagi ng debut EP niya na malapit nang ilabas.
 
Ayon sa kanya, magkakaroon ng limang kanta ang EP, na konektado ang istorya sa bawat isa. Tatalakayin sa mga kanta ang mga totoong pangyayari sa buhay na hindi tanggap sa lipunan, dahil iikot ang kabuuang kwento nito sa isang bawal na pag-ibig.
 
Si John Michael Edixon, o mas kilala bilang Kritiko, ay unang napansin nang makamit niya ang 3rd Best Song sa Himig Handog songwriting competition noong 2018 para sa entry niyang “Kababata,” na inawit niya kasama si Kyla.
 
Mula noon, nakipag-collaborate na siya sa iba pang Kapamilya singers gaya ni KZ Tandingan para sa “Raise Your Flag” at kina Ogie Alcasid at Inigo Pascual para sa remix ng “Do You Wanna Dance With Me.” Isinulat at kinanta rin niya ang “Salamat Sa” kasama si Loisa Andalio, at inawit ang rap verse sa “Kay Sayang Pasko Na Naman” kasama sina Vice Ganda at Anne Curtis.
 
Isa lang siya sa mga versatile artist sa ilalim ng ABS-CBN Music—na tahanan ng marami sa mga pinakamagagandang musika ng OPM mula sa nangungunang media at entertainment company sa bansa na ABS-CBN.
 
Pakinggan ang “Amazak” ni Kritiko sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang like Star Music sa www.facebook.com/starmusicph at i-follow ito sa Twitter at Instagram sa @StarMusicPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE