News Releases

English | Tagalog

Bagsik ng mga manlalaro sa MPL-PH Season 5, babandera sa ABS-CBN S+A

April 30, 2020 AT 02 : 13 PM

MPL-PH is the premier and largest mobile eSports tournament in the country where the top ten local Mobile Legends: Bang Bang teams compete for six weeks for the $25,000 top prize and the right to represent the country in the international scene.

ONE Esports Dota 2 World Pro, darating din sa Mayo

Inihahandog ng ABS-CBN Sports sa mga Kapamilyang mahilig sa gaming ang live coverage ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines (MPL-PH) Season 5, na nagsimula na noong Mayo 1 sa S+A, at mapapanood din ng live sa sports.abs-cbn.com, ABS-CBN Sports Facebook, ABS-CBN Sports YouTube, at TFC.tv.

Ang MPL-PH ang pinakamalaki at nangungunang kompetisyon sa mobile esports sa bansa, kung saan magtatagisan ng galing ang sampung koponan sa loob ng anim na linggo para sa premyong $25,000, at pagkakataong lumaban bilang representante ng Pilipinas sa ibang bansa.

Ipapalabas ng live tuwing Biyernes hanggang Linggo ng 6:30 pm sa S+A ang ika-apat hanggang ika-anim na linggo ng kompetisyong inorganisa ng Moonton, na siyang gumawa ng Mobile Legends: Bang Bang, katuwang ang Mineski Global, Smart, at Realme.

Kabilang sa mga koponang magbabakbakan ang Execration, Geek Fam, Bren Esports, BSB, ULVL, Blacklist International, SGD Omega, STI Olympians, ang runners-up noong nakaraang season na ONIC PH, at ang kasalukuyang mga kampeon na Sunsparks. Ang dalawang mangugunang koponan ay mabibigyan ng pagkakataong lumaban sa M1 World Championship 2020.

Maliban dito, handog rin ng S+A sa Pinoy esports fans ang ONE Esports Dota 2 World Pro Invitational Singapore na eere mula Mayo 20 hanggang 24 ng 6:30 pm. Tampok dito ang tagumpay ng Vici Gaming sa kampeonato kontra sa Evil Geniuses.

Bahagi ang mga programang ito layunin ng ABS-CBN Sports na magbigay ng dekalidad at maaaksyong mga palabas na magbibigay aliw at inspirasyon sa bawat Pilipino.

Para sa karagdagang balita sa esports at MPL-PH, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.