News Releases

English | Tagalog

Jane at Geoff, magkasamang tutugisin si Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano"

January 20, 2021 AT 09 : 30 AM

Obsessed with Yassi, Richard rats out Coco to authorities

Makikilala na ni Cardo (Coco Martin) at ng Task Force Agila ang susunod nilang katapat sa pagpasok ng mga bagong karakter nina Jane De Leon at Geoff Eigenmann na tutugis sa kanila sa “FPJ’s Ang Probinsyano” simula ngayong linggo.

Sasabak agad sa aksyon at bakbakan sina Jane at Geoff bilang sina Police Captain Lia Mante at Maj. Albert de Vela ng grupong Black Ops upang ipatupad ang inihaing “shoot to kill” order ni Presidente Oscar Hidalgo (Rowell Santiago) laban kay Cardo at sa kanyang mga kasamahan.

Kasama rin sa mga bagong karakter ng programa bilang mga miyembro ng Black Ops sina Vance Larena, Paolo Paraiso, AJ Raval, at Mark Mcmahon.

Sa paghaharap ng Black Ops at Task Force Agila, muling malalagay sa panganib ang buhay ni Cardo pagkatapos ng matagal na panahon ng pagtatago mula sa gobyerno sa teritoryo ni Lito (Richard Gutierrez). Ang hindi alam ni Cardo, si Lito mismo ang nagbigay ng impormasyon sa Black Ops tungkol sa kanilang hideout upang maipatumba niya si Cardo at mapasakanya na si Alyana (Yassi Pressman). 

Maipabagsak kaya ni Lia si Cardo at ang Task Force Agila? Tuluyan na nga bang maaagaw ni Lito si Alyana?

Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. 

Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.