News Releases

English | Tagalog

"Pasko ng mga Pinoy," hatid na kwento ni Ogie sa bagong kanta

October 15, 2021 AT 02 : 19 PM

Ibang iba talaga ang pagdiriwang ng mga Pilipino ng Pasko na inilahad ni Ogie Alcasid sa bago niyang kanta na “Pasko ng mga Pinoy.”
 
Tampok sa latest Star Music release ang mga tradisyon na ginagawa ng mga Pinoy tuwing Kapaskuhan. Kabilang dito ang pagpapatugtog ng Christmas songs simula Setyembre, pagdiriwang ng Noche Buena, at pagka-caroling ng mga bata.
 
Nagsisilbi rin itong maagang pamasko ni Ogie sa kanyang fans at masayang paalala sa pagmamahal at ligayang nararamdaman sa panahon ng Pasko.
 
Maglalabas din ang Kapamilya singer ng “Pasko ng mga Pinoy” music video na maglalarawan ng natatanging selebrasyon ng mga Pinoy at magtatampok sa ilang mga Pilipino na hindi makakapiling ang kanilang minamahal sa pagdiriwang ng Pasko.
 


Balikan ang masasayang Christmas tradition sa “Pasko ng mga Pinoy” ni Ogie, na mapapakinggan na sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).