Aside from its infectious beat and bold lyrics, “Amakabogera” also showcases Maymay’s range as a vocalist, proving that the Kapamilya all-rounder has a dynamic sound and impressive artistry.
Todo rampa sa “Amakabogera” music video
May sagot sa toxic na beauty standards si Maymay Entrata sa single niyang “Amakabogera” mula Star Pop.
Ayon kay Maymay na hinirang ng netizens bilang bagong solo star ng P-pop movement, tungkol sa self-empowerment ang bago niyang kanta. “Lahat ng tao parang may iisang standard ng pagiging maganda depende sa kung ano ang uso o sinasabi ng lipunan. Itong ‘Amakabogera’ kanta tungkol sa pagiging confident sa kung sino ka sa kabila ng matataas na standards ng mundo.”
Paalala rin niya sa mga makikinig nito na ‘wag pagdudahan at ikumpara ang sarili sa iba. “Maganda ka, unique ka, at malakas ka. ‘Wag mo hayaan na agawin ng mga standard nila ang korona mo.”
Isinulat ni Loriebelle Darunday at Elmar Jan Bolano ang kanta na siya ring nag-compose nito kasama si Justin Ian Catalan. Hinihikayat ng “Amakabogera” ang bawat isa na ‘wag matakot maging confident at yakapin ang sarili nilang ganda kahit ano man ang sabihin ng iba. Si Star Pop head Rox Santos ang nagprodyus nito.
Bukod sa nakakaindak na beat at matapang na lyrics, maririnig din sa “Amakabogera” ang galing ni Maymay bilang singer, na nagpapatunay na isang siyang all-rounder na may dynamic na tunog at kakaibang artistry.
Samantala, inilabas na rin ang music video ng “Amakabogera” noong Biyernes (Oktubre 22) na idinirek ni Amiel Kirby Balagtas kung saan makikita si Maymay na rumarampa sa runway, todo ang pagsayaw sa nakakaindak na choreo, suot ang nakakaakit na isang pulang dress, at syempre, may ‘just-woke-up’ look din siya rito na nagpapakitang proud siya sa kanyang natural na ganda. Sa ngayon ay meron na itong higit 500,000 views.
Nito lang Mayo, inilabas niya ang single na “’Di Kawalan,” na nagpapaalala na hindi nakadepende sa iba ang halaga ng isang tao. Meron na itong mahigit 243,000 streams sa Spotify at mahigit 1.3 million music video views.
Sa Nobyembre 26 (Biyernes), magaganap na rin ang unang digital concert ni Maymay na "Mpowered" na mapapanood sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV kasama ang mga special guest na sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Mimiyuuuh, at Nyoy Volante. Mage-enjoy din sa after party ang mga SVIP at VIP ticketholders kasama sina Maymay, DJ Jhai Ho, at Edward Barbers.
Ipagsigawan ang ganda mo sa mundo at pakinggan ang “Amakabogera” ni Maymay sa iba’t ibang digital music services at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).