Happening this December 4 (Saturday) at the Ayala Malls Vertis North, families and buddies can have a pre-Yuletide celebration by watching Pablo Larrain’s film “Spencer.”
Pelikula tungkol kay Princess Diana na pinagbibidahan ni Kristen Stewart
May maagang pamasko ang Cinema One dahil nagbabalik ang drive-in film screening nito kung saan ipapalabas ang critically-acclaimed film na “Spencer” tungkol sa isang Christmas holiday sa buhay ng yumaong si Princess Diana na ginampanan ng American actress na si Kristen Stewart.
Siguradong mag-eenjoy ang pamilya at mga magkakaibigan ngayong Disyembre 4 (Biyernes) sa Vertis North Estate sa panonood ng pelikula ni Pablo Larrain na “Spencer” na tumutukoy sa apelyido ng Princess of Wales bago siya nagpakasal kay Prince Charles. Tampok sa pelikula ang mga nangyari sa isang Christmas holiday ni Princess Diana kasama ang royal family sa sa Norfolk, England, kung saan ipinakita ang mga problema niya sa mental health at ang desisyon niyang hiwalayan na si Prince Charles.
Tila isang “cinematic work of art” ang “Spencer” ayon sa First Showing habang sinabi naman ng The Guardian na “magnificent” ang pelikula. Kabilang ito sa official selection ng 2021 Venice Film Festival, Telluride Film Festival, at Toronto International Film Festival.
Swak na swak para sa mga nagnanais magkaroon ng kakaibang movie-going experience, ang “Drive-In Cinema One Christmas” ay magbibigay ng pagkakataon sa movie fans na makapanood ng pelikula at makasali pa sa games habang nasa loob ng kani-kanilang sasakyan.
Mabibili na ang tickets para sa drive-in cinema experience sa TicketMelon, na nagkakahalaga ng P600 para sa hanggang tatlong tao bawat sasakyan at P800 para naman sa hanggang apat na tao bawat sasakyan. Magbubukas ang gates ng 6PM at magsisimula naman ang film showing ng 8PM.
Simulan na ang selebrasyon ngayong Pasko sa isang ligtas na movie night kasama ang pamilya at barkada sa “Drive-In Cinema One Christmas” ngayong Disyembre 4 (Biyernes) sa Vertis North Estate! Para sa iba pang detalye, i-like ang Cinema One sa Facebook (https://www.facebook.com/Cinema1channel/) at sundan ang @c1nemaone sa Twitter at @cinemaonechannel sa Instagram.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.