Libreng concert na magtatampok ng mga artist mula sa iba't ibang parte ng mundo
Handog ng Class of 2021 ng Tarsier Records ang isang regalo para sa music fans sa buong mundo bilang pasasalamat bago magtapos ang 2021 tampok ang kaabang-abang na mga live performances.
Mapapanood online ngayong December 29 (Miyerkules), 8 PM sa YouTube channel ng
Tarsier Records,
ABS-CBN Star Music, at
One Music PH ang "TY 2021," na hango sa Tarsier Yearbook 2021 o simpleng "Thank You" para sa mga tumangkilik sa musika ng label ngayong taon.
Pangungunahan nina Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, Bugoy Drilon, at Sam Concepcion ang live concert kung saan makakasama rin ang mga bagong signees gaya ng TikTok sensation na si Zion Aguirre; Spotify RADAR Philippines artist allen&elle, bagong girl group na New Flame; at dating "The X Factor UK" contestant at miyembro ng United Vibe na si Jon Guelas. May espesyal din na handog ang "Monarch" star at Tarsier artist na si Inigo Pascual.
Tatagal ng isang oras ang live online concert at magtatampok ng hindi pa narinig dati na bersyon ng original releases mula Tarsier. Pwedeng tumutok ang mga manonood sa event mula sa mga bahay nila.
Para sa iba pang detalye sa "TY 2021," sundan ang Tarsier Records sa mga social media account nito, @tarsierrecords.
Taong 2017 nang ilunsad ang Tarsier Records sa ilalim ng ABS-CBN Music kasama ang walong artist na naglalayong ipakilala ang OPM at mga Pinoy artist sa buong mundo. Matapos ang apat na taon, meron na itong mahigit 25 artists at mayroon na ring halos 200 mga kanta sa catalog nito. Pagpasok ng 2022, mas marami pang mga malalaking plano ang Tarsier Records.